Sunday, November 29, 2020

Ruru Madrid, Mayroong Tatlong Aktor na Pinaghihinalaang ‘Gay’


Sa guesting kamakailan  lang ng Kapuso actor na si Ruru Madrid sa ‘The Boobay and Tekla Show’ (TBATS), isang nakakaintrigang tanong ang sinagot ni Ruru. Nangyari ang guesting na ito ng aktor noong ika-5 ng Nobyembre.

Sa programa, kailangang sagutan ni Ruru ang ilang mga tanong sa kanya ng mga host sa segment nito na ‘Fill in the Blank’. Ngunit, tanging ang host lamang ang makakaalam ng inilistang sagot ng aktor at hindi ito ilalahad sa publiko.

Isa sa mga tanong na ibinato rito ay kung sinu-sino umano ang mga pinagdududahang ‘gay’ o bading ni Ruru sa mga celebrity na okay lang para sa kanya. Tatlong celebrity ang inilista ni Ruru bilang sagot dito ngunit, tanging ang programa lamang ang may alam kung sinu-sino ang mga ito.

Gayunpaman, dahil sa kuryusidad ng publiko, hindi maiwasan ng mga ito na maintriga kung sino ang tatlong celebrity na ito na sa tingin ni Ruru ay bading.

Kaya naman, sa isang artikulo na inilabas ng Philippine Entertainment Portal o pep.ph, nagbigay ang mga ito ng paglalarawan kung sinu-sino raw ang tinutukoy dito ni Ruru.

Ayon dito, isa sa tatlong celebrity ay katrabaho umano ng aktor sa Kapuso network. Pangalawa sa listahan ni Ruru ay isa umanong celebrity na nasa kabilng network habang ang panghuli naman ay isang freelancer na napapanood din minsan sa GMA.

“Kahit anong kulit namin sa mga TBATS, wala kaming nakuhang sagot…

“Pero base uli sa clues na nakalap namin, isang kasamahan ni Ruru sa trabaho ang isa sa mga isinulat niya; ang isa ay napapanood sa ibang istasyon; at ang isa ay naggi-guest minsan sa ilang programa ng GMA-7.


“Sabi naman ni Ruru, hindi isyu sa kanya kung bading, at mataas ang paggalang niya sa mga ito,” ani pa sa naturang artikulo.

Paglalarawan pa nga dito sa isang gay na pinaghihinalaan daw ni Ruru, mabait umano at napakasipag ng nasabing celebrity na nakatrabaho ng aktor. Ngunit, ang pangalawang aktor na tinutukoy ni Ruru ay ibinunyag na umano sa publiko ang kanyang ‘sexual preference’.

Samantala, gwapo at mabait naman ang pagkakalarawan dito sa pangatlong celebrity sa listahan ni Ruru. Saad pa nga rito,

“Napakabait ng kapwa Kapuso na eme-emeng pinagdududahan pa niya. Iyong pangalawa, wala na sa closet, out and proud na sa sexual preference nito. At iyong pangatlo, mukhang lumulunok ng glutha. Nakakasilaw ang kakisigan, at mabait din.”

Ayon sa aktor, wala naman daw isyu sa kanya ang mga bading dahil lumaki raw siya na kasama ang mga ito. Habang lumalaki, madalas ay nakakasalamuha ni Ruru ang mga bading na kaibigan ng kanyang nanay. Kaya naman, ayon sa kanya ay mataas ang pagrespeto niya sa mga ito.

Si Ruru ay iniuugnay ngayon sa kapwa Kapuso actress na si Bianca Umali. Bagama’t misan ay nagbabahagi sila ng mga larawan na magkasama, hindi pormal na inihayag ng mga ito ang kanilang relasyon. Ayon kay Ruru, mas gusto raw nito na pribado ang detalye ng kanyang lovelife at naniniwala ito na mayroong tamang panahon para rito.


Source: PEP


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment