Hindi biro ang dulot na epekto ng pananalasa ng mga bagyo sa bansa partikular na sa Luzon nitong nakaraang mga Linggo. Lubog sa baha ang maraming mga lugar sa Luzon, partikular na sa Metro Manila at sa mga bayan sa Cagayan at Isabela.
Kaya naman, puspusan ang pag-abot ng mga donasyon para tulungan ang mga nasalanta at nabiktima ng bagyo. Ilan sa mga agad na nagpaabot ng kanilang tulong ay ang mga kilalang vlogger sa bansa.
Kaugnay nito, hindi napigilang maging emosyonal ng ina ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi nang mapanood nito ang kaawa-awang sinapit ng mga nasalanta ng bagyo. Hindi napigilan ni Fatima Alawi ang kanyang emosyon habang pinapanood ang nakaka-awang sitwasyon ng mga nasalanta.
“Tingnan mo ‘yung mga batang nag-iiyakan. Ang sakit sa dibdib,” saad pa nito.
Kaya naman, agad nagdesiyon si Fatima na tumulong sa mga biktimang ito ng kalamidad. Dahil sa kanyang kaarawan, si Fatima ay nakatanggap ng regalong pera mula sa anak niyang si Ivana.
Ngunit, imbes na gamitin o gastusin para sa kanyang sarili, nagdesisyon ito na ibigay na lamang sa mga nasalanta ng bagyo ang perang regalo ni Ivana sa kanya. Para sa kaarawan ng ina, binigyan ito ni Ivana ng Php 500,000.
“May binigay sa akin si Mariam (Ivana) na pera. May pera ako ‘dun, ibibigay ko nalang ‘yun. Mamimili nalang tayo [ng mga relief good]... Maraming matutulungan ‘yun…,” ani pa ni Fatima.
Dahil sa maayos na estado ng buhay na mayroon ang kanyang pamilya, hindi napigilan ni Fatima na magpasalamat sa Diyos. Sa kabila ng mga nangyayari, ipinagpapasalamat nito na nakakatanggap pa rin sila ng biyaya.
“Thank you, Lord, kasi napakabless pa rin po namin,” saad pa ulit nito.
Dahil naman dito kaya hindi napigilan ni Ivana na humanga sa kabaitan ng kanyang nanay. Ayon sa aktres, hanga ito sa kabutihan ng kanyang ina na hindi nagdalawang-isip na ibahagi sa iba ang regalo na dapat ay para sa kanya.
“Sobrang na-touch ako sa kinikwento sa akin ni Mona kasi parang… nasa baba sila Mama tapos nanonood si Mama ng balita. And then, sobrang natouch lang ako nung pinanood ko…
“Sobrang na-touch ako sa nanay ko. Mayroon talagang golden heart si Mama. Parang on-the-spot gusto niya agad ibigay ‘yung regalo ko sa kanya, which is for her of course, diba? Kasi regalo sa kanya ‘yun…
“Pero on-the spot, gusto niya ibigay lahat sa mga victims. She’s just super-selfless and I love Mama,” ani pa ni Ivana.
Dagdag pa ng aktres, sa pamamagitan ng kanyang pagva-vlog ay gusto niya raw na ma-inspire din ang ibang tao na tumulong. Pagbabahagi pa nito,
“I hope this inspires other people. I want to do this para lahat ng kita ng vlog dito, idodonate ko. And aside from that, mayroon din akong mga ido-donate from my heart and from my family,”
Gaya ng sinabi nito, tinupad ni Ivana ang ipinangakong tulong at personal pa na nagpunta upang iabot sa mga nasalanta ang mga relief goods. Kaya naman, hangang-hanga kay Ivana ang maraming mga tao lalo na ang mga tagasuporta nito.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment