Ilang araw lamang matapos pumanaw ni Jamir Garcia, ang frontman ng Filipino heavy metal band na Slapshock, sa isang Facebook live ay naglabas ng kanyang saloobin ang partner nito na si Sojina Jaya Crisostomo.
Dito, hindi man direkta ay mayroon itong iniwang mga mensahe sa mga kabanda umano ni Jamir. Mabibigat ang inihayag na saloobin dito ni Jaya kung saan, tinukoy nito ang mga taong itinuturing daw na kapatid ni Jamir ngunit ginawan siya ng mga pekeng kwento.
Ayon kay Jaya, kinimkim lamang umano ng partner ang lahat ng mga ibanato ritong paninira. Hindi raw ito nagsalita sa kabila ng mga ipinaparatang sa kanya dahil mas pinahalagahan ni Jamir ang samahan na mayroon sila ng naturang mga tao. Ngunit, giit nito ay lalabas din umano ang katotohanan.
Kung matatandaan, bago pumanaw ang bokalista ay nagkaroon ito ng isyu at ng kanyang mga kabanda na humantong pa nga sa pagsampa rito ng kaso ni Jerry Basco, ang gitarista ng banda.
Kaugnay nito, sa pamamagitan ng isang Facebook post ay naglabas din ng pahayag si Slapshock bassist Lee Nadela tungkol sa mga binitawang pahayag ni Jaya.
Ayon kay Nadela, maging sila ay nagulat at ipinagluluksa din ang pagpanaw ng kabanda at mabuting kaibigan sa loob ng 23 taon. Ngunit, handa raw silang sagutin ang mga paratang sa kanila ni Jaya na wala raw basehan dahil baka hindi raw talaga nito alam ang nangyari.
Sa ngayon, ipagluluksa muna nilang lahat ang pagpanaw ni Jamir ngunit, nakahanda silang ipresenta ang mga hawak nilang ebidensya sa korte.
Heto ang buong nakasaad sa naturang Facebook post:
“I am deeply saddened over the tragedy that happened to my friend and bandmate Jamir Garcia. We may have had differences, pero mas mahaba at mas marami kaming mabuting pinagsamahan for 23 years. Mahal ko siya na parang kapatid at nalungkot ako na ito ang pinili niyang paraan.
“God knows wala sa isip ko na sa ganito hahantong ang lahat.
“Regarding Jaya’s Facebook video post yesterday, please don’t accuse me and Jerry Basco of wrongdoing, when we were just speaking out the truth and the injustice done to us.
“Huwag mo sanang gawing galit ang lungkot na nararamdaman nating lahat, at ipasa ang galit sa amin o maghanap ng sisisihin dahil wala naman talagang nakakaalam ng tunay na dahilan kung bakit nagawa ni Jamir yun.
“Jaya, ang mga binitiwan mong salita against us ay walang basehan, either tinatago mo ang katotohanan or wala kang alam at all sa nangyari sa band namin.
“We will answer all your baseless accusations and refute it with concrete evidence, na dapat sa korte ipepresenta. Kung sinasabi mong may evidence ka rin na hawak, sabay nating ilabas.
“Expect an answer from us. But for now, with all due respect to Jamir and family, we will mourn his passing.
“Rest in Peace, pare, Jamir.”
Sa ngayon, wala pang inilalabas na reaksyon tungkol dito si Jaya.
Ika-26 ng Nobyembre nang matagpuang wala nang buhay si Jamir sa tahanan nito sa Quezon City. Naisugod pa umano sa ospital ang bokalista ngunit, idineklara rin itong dead on arrival.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment