Kagaya ng ilang mga grupo ay nag-organisa ang komedyante at It’s Showtime host na si Vice Ganda ng isang donation drive para sa mga nasalanta ng sunod-sunod na bagyong dumating sa bansa gaya ng bagyong Ulysses. Tinawag niya itong ‘FUNDkabogable Donation Drive’.
Bagama’t suportado ng marami ang donation drive na ito ni Vice ay mayroong nga umatake at nambatikos dito dahil sa paglilikom daw nito ng donasyon galing sa ibang mga tao. Pagku-kwestyon dito ng mga netizen, bakit hindi nalang umano ito magbigay mula sa personal nitong pera kaysa manghingi pa sa iba.
Saad pa nga rito ng mga netizen:
“Magdonate din po kayo galing sa yaman niyo di puro fundraising galing sa bulsa ng ibang tao. Tapos, kanino mapupunta ang credit aberrr… alam na!”
“Why are you asking for help when you can very well donate on your own? What’s with your massive display of your wealth supposedly? I can’t believe you… Just saying the truth and I’m sure a lot of people agree with me.”
“Better kung ibebenta mo yong mga sasakyan mo or ‘yung milyon milyon mong banyo ang halaga. Tularan mo si kuya Willie Revillame. Nagbenta ng mga mamahaling assets just to help Catanduanes. Fundraising drive ka pa! Benta ka ng assets mo, tapos.”
Kung matatandaan, sa Quezon inabutan ng bagyong Ulysses si Vice kasama si Ion Perez at ilan pa nilang mga kaibigan habang nagbabakasyon ang mga ito. Kaya naman, maging ito ay hindi rin pinalampas ng isang netizen. Saad pa nito,
“After mo magbakasyon hihingi ka ng donasyon? Wala ka bang sariling perang pantulong?”
Sa isang episode ng It’s Showtime, naglabas ng pahayag si Vice tungkol sa mga pamababatikos na ito na kanyang natatanggap dahil sa paglikom niya ng mga donasyon.
Dito, isinaad ni Vice na kahit nag-oorganisa siya ng donation drive ay makakaasa raw ang mga ito na magbibigay din naman siya ng donasyon galing sa sarili niyang bulsa. Pahayag pa nga nito,
“Nakakatawa lang kasi may mga nagko-comment lang na, ‘Di ba, ang dami mong pera? Bakit ka nanghihingi ng donasyon?’
“Parang mga baliw. Hindi po para sa akin ang donasyon na ito, at hindi ko po ito ginagawa para makatakas sa pagdo-donate. Makakaasa po kayo na may personal po akong donasyon na ibinibigay…”
Ayon kay Vice, para lamang umano ang donation drive sa kanyang mga kaibigan at iba pang mga tao na nais din na mag-abot ng kanilang tulong para sa mga nasalanta.
“Ginagawa ko po ito para sa madlang pipol, sa mga kaibigan, sa mga Little Ponies (tawag niya sa kanyang fans), na gustong mag-ambag at gustong pagsama-samahin ‘yung kanilang mga donasyon. Ako na po ang nagkokolekta noon, tapos ako ang mamimili, at ako na rin po ang magpapadala. Para nasa bahay na lang kayo,” dagdag ani pa nga ni Vice.
Base sa kanyang huling update, umabot na sa mahigit isang milyon ang nalikom na donasyon ng kanyang ‘FUNDkabogable Donation Drive’. Makikita rin dito na nagsimula na ang pamamahagi ng nasabing mga tulong para sa mga biktima na nasalanta ng mga bagyo.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment