Matagumpay na natapos ng aktor na si JM de Guzman ang pagsailalim nito sa Philippine Air Force Special Basic Citizen Military Training at isa na ngayong ganap na Philippine Air Force Reservist na may ranggong seargent.
Ang magandang balita na ito ay ibinahagi ni JM sa Instagram kasama ng ilang mga larawan nito sa naturang military training. Ibinahagi niya rin dito ang kanyang pagtatapos mula sa nasabing pagsasanay.
“Finally, after 8 months. I finished my Philippine Air Force Special Basic Citizen Military Training CL-2020 (lectures, drills, and rigorous simulations and training) of Air Force Reserve Command conducted by the 1st Air Reserve Center. Special thanks to Lt. Col Hermie Calubiran Jr. PAF.
“I learned a lot about myself, character, and gained a lot of wisdom in this training. My respect is higher to our soldiers,” pagbabahagi pa ni JM.
Ayon sa aktor, nakahanda na itong pagsilbihan ang bayan at tumulong sa mga kagaya niya na nakaranas din na manghingi ng tulong. Para sa aktor, mahirap man ay nakayanan nito ang pagsasanay sa tulong at paggabay ng mga sundalo sa kanyang training.
“As a reservist, I'm ready to serve my country, help those in need of help, or in the dark (as cliche as it may sound) because I was in need of help before and was also in the dark too. So I know how it feels like. Blessed and graced to stand up again and make things right and now it's time for me to give back. It was easier for me to do this with the guidance and support of our astig regular soldiers.
“At siyempre ang sinumpaang tumulong protektahan ang Inang bayan. Shout out to my wrestling coach, Air Force Staff Sgt. Jimmy Angana for the help,” ani pa nito.
Dito ay opisyal na inanusyo ni JM ang sarili bilang si Sgt. Juan Miguel De Guzman PAFR (Philippine Air Force Reserve). Matapos nito ay nagbahagi pa ito ng ilan niya pang mga larawan mula sa training na napagtagumpayan niyang tapusin.
Kagaya ni JM ay nagtapos din kamakailan bilang military reservist ang aktres at beauty queen na si Winwyn Marquez sa ilalim naman ng Philippine Naval Reserve Command. Maliban sa matagumpay na pagtatapos ay masayang ibinalita ni Winwyn na ito rin ang nanguna at Top 1 sa kanilang hanay.
“Last February, I enlisted to become a Marine Reservist under the Philippine Naval Reserve Command & when COVID-19 hit us we were asked if we still wanted to continue with our training and I said YES…
“Thanks to the support of my batch, family, and other like-minded people around me, I have completed the course with realizations I never knew I would learn…
“I am sharing this personal moment with you all hoping it can be a motivation & inspiration not only to Filipino women but to all Filipinos to not be afraid of their weaknesses and to pursue their passions in life,” pahayag pa nga tungkol dito ni Winwyn.
Maliban kina JM at Winwyn ay sumailalim din sa military reservist training sina Arci Muñoz, Dingdong Dantes, Rocco Nacino, at Mateo Guidicelli.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment