Friday, November 27, 2020

‘Yagit’ Daw na Larawan ng Pamilya ng mga Magsasaka sa Module, Pinuna ng mga Netizen


Kontrobersyal na pinag-usapan at pinagdebatihan sa social media ang isa na namang pahina sa learning module kung saan, hindi nagustuhan ng marami ang pagbibigay ilustrasyon dito kung ano ang kasuotan ng pamilya ng mga magsasaka o farmers.

Sa naturang module, makikita ang guhit ng umano’y isang pamilya ng mga magsasaka kung saan, makikita na gutay-gutay ang suot na damit ng mga ito. Dito, mapapansin pa ang isang bata na kasapi ng pamilya na walang anumang suot na damit.

Kaya naman, hindi napigilang ihayag ng isang netizen ang kanyang pagkadismaya sa paraan ng paglalarawan dito ng DepEd sa mga magsasaka. Saad pa nito,

“Nakakadismaya po. Ang mali po at ang nakakabahala ay ang unang larawan… walang problema sa kwento. Ang mali ay ang unang illustration at ang nag-approve niyan.”

Umani ang larawang ito ng kabi-kabilang pambabatikos dahil ani pa nila, ang naturang ilustrasyon ay mukhang pangmamaliit umano sa mga magsasaka. Nakakabahala umano ito para sa mga bata dahil sa naturang ilustrasyon ay mukhang mas pinababa pa umano ng DepEd ang tingin sa mga magsasaka. 

“Kahit sa illustration man lang, sana ay binigyan ng dignidad ang mga farmers natin,” ani pa nga tungkol dito ng isang netizen.

Hindi nagustuhan ng mga netizen na porke’t magsasaka ay ganun na lamang ang paglalarawan sa mga ito. Kung tutuusin, ang mga magsasaka ang dapat ay nakakatanggap ng paghanga dahil ang mga ito ang nagpapakain sa buong bansa. Sa pagiging magsasaka din ay napag-aral at napaganda ng mga ito ang buhay ng kanilang pamilya.


Hindi lamang mga netizen kundi pati na rin ang ilang mga senador ay nagbigay ng komento tungkol sa hindi magandang ilutrasyon na ito ng DepEd sa mga magsasaka. Dito, pinuna ni Senator Francis Pangilinan ang umano’y ‘stereotyping’ ng DepEd sa mga magsasaka.

“We understand that a vast majority of our farmers are poor but to stereotype them, ano magiging mensahe sa ating mga kabataan? Na hindi katanggap tanggap ang maging magsasaka? 

“We don't want to teach our children to look down upon farmers. 'Pag nakita ng estudyante ito sasabihin hindi maganda ang maging magsasaka kaya ayoko na din maging farmer,” pahayag pa ni Sen. Pangilinan.

Dahil dito kaya nakatakda raw na maglabas ng paliwanag ang DepEd tungkol sa isa na namang insidente na ito sa learning module na pinuna ng publiko. Hindi kasi ito ng unang beses na naging kontrobersyal ang laman o nababasa sa ilang mga learning module na ipinamamahagi sa mga mag-aaral.

Minsan ay kinondena din ng mga netizen ang animo’y panghuhusga ng module sa mga taong mayroong tattoo kung saan, inilarawan nila ng mga ito na umano’y mga kriminal. Maliban dito ay pinuna din ng mga netizen nang gawing halimbawa rito ang aktres na si Angel Locsin na umano’y isang ‘obese person’.

“Everyone can agree that this is a wrongful and harmful depiction of our farmers who feed us. DepEd has a zero tolerance policy against discrimination… 


“The material is already out but they will issue an explanation that this is a wrongful depiction,” ang ani pa nga tungkol dito ni Senator Pia Cayetano.

Source: gmanetwork


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment