Kinumpirma ng Japanese team na kinabibilangan ngayon ng Filipino basketball star na si Thirdy Ravena na nagpositibo ito sa COVID-19. Inanunsyo ito ng Japanese B.League team na San-En NeoPhoenix nito lamang Biyernes ng gabi, ika-27 ng Nobyembre.
Ayon sa nasabing anunsyo, Huwebes, ika-26 ng Nobyembre nang nakaramdam umano ang 23 taong gulang na si Ravena nang ilang sintomas ng sakit gaya ng sore throat at lagnat kung saan, umabot sa 38°c ang kanyang temperatura. Dahil dito kaya sumailalim ang basket player sa isang PCR test sa Toyohashi City Health Center.
Kinabukasan, ika-27 ng Nobyembre, lumabas ang resulta na positibo nga sa COVID-19 si Ravena.
“Thirdy Ravena, who belongs to San-en Neo-Phoenix, has been confirmed to be positive for the new coronavirus infection.
“On the morning of November 26th (Thursday), he reported that he was in poor physical condition, and when the temperature was measured, a fever of 38.2°C was confirmed. Therefore, he reported to the Toyohashi City Health Center and at a designated medical institution under the direction of the Health Center. He took a PCR test.
“The following day, 27th (Friday), we received a positive test report from the medical institution,” saad pa sa anunsyo.
Ang balitang ito ay kinumpirma rin daw mismo ng ina ni Ravena na si Mozzy Ravena.
Ngunit, ayon sa Japanese team ay umaayos na raw ang pakiramdam ni Ravena at bumaba na rin ang temperatura nito sa 36.9°c. Kasalukuyan ay naka-quarantine pa rin si Ravena sa tinutuluyan nito.
“As of 10 o'clock on the 27th (Friday), Ravena's body temperature had dropped to 36.9°C. His sore throat had subsided, and his sense of taste and smell was normal. Currently, he is receiving medical treatment at home,” dagdag ani pa sa nasabing anunsyo.
Bago ito, ayon sa koponan ay dalawang beses sumailalim sa PCR test si Raven at ang kanyang teammates. Parehong negatibo ang lumabas na resulta ng mga ito. Sa ngayon ay nagsasagawa na rin ng contact tracing ang koponan hindi lamang sa mga ka teammates ni Ravena kundi pati na rin sa nakalaban nilang koponan.
“As of 18:00 on the 27th (Friday), all players and team staff are waiting at home and no one has any symptoms… Currently, the Toyohashi City Public Health Center is conducting a survey of close contacts, and we will inform you of the results as soon as they are confirmed…
“We are currently investigating close contacts with all players and staff of the Kanazawa Samuraiz, who are the opponents of the private practice match on the 25th. We sincerely apologize for the great concern and inconvenience caused to the players, staff, and related parties of the Kanazawa Samuraiz,” pahayag pa ulit sa anunsyo.
Si Ravena ay dumating sa Tokyo, Japan noon lamang nakaraang buwan upang maglarong import ng San-EN NeoPhoenix. Gumawa ito kamakailan lang ng ingay matapos siyang makapagtala ng average na 12.0 points 4.8 rebounds, at 1.4 assists per game.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment