Saturday, December 5, 2020

Anthony Taberna, Ibinahagi ang Pinagdaraanan sa Pagkaroon ng Leukemia ng Kanyang Anak


Hanga si Anthony Taberna dahil sa tapang ng anak nito habang nakikipaglaban sa sakit na leukemia. Bagama’t nakikita nito na nakangiti ang anak habang nalalagas ang buhok nito na epekto ng pinagdaraanang chemotherapy, alam ni Anthony na sa loob ng anak ay nasasaktan ito.

Kaya naman, hindi mapigilan ng mamamahayag na mapaiyak dahil sa pinagdaraanan ngayon ng panganay niyang si Zoey.

“Hindi ko akalain na papayag si Zoey na ipakita sa madla ang larawan na ito. Nakangiti siya pero alam kong durog na durog ang puso niya nung nag umpisang malugas ang kaniyang buhok dahil sa chemotherapy. 

“Nung pumayag si Zoey na magpakalbo at nalaman kong papunta na sa ospital ang misis ko kasama si Ate Tet, umalis na muna ako. Akala ko ay malakas na ako. Marupok pala. May video habang kinakalbo si Zoey. At tuwing makikita ko iyon, hindi ko mapigil ang pagpatak ng aking luha… 

“Hanga ako sa tapang ng aming panganay. I love you, Zoey,” emosyonal pa nitong pagbabahagi.

Isang taon na ang nakakaraan nang madiagnose na may leukemia si Zoey. Ayon sa kwento ni Anthony, noong una ay inakala nilang simpleng sakit lamang sa buto mayroon ang anak matapos nila itong isugod sa ospital dahil sa pagsakit ng binti at hita nito.

Ngunit, matapos ang ilang mga pagsusuri ay napag-alaman na mayroong ‘bone marrow disease’ ang kanyang anak na kalaunan ay naging sakit na leukemia. Pagbabahagi pa ulit nito sa nangyari,


“Parang guguho ang mundo naming mag-asawa lalo’t si Zoey na noon ay 11 taong gulang pa lamang, ay nakikita naming nahihirapan. 


“Walang tigil ang aming pananalangin, kahit gusto sana naming ikubli sa aming anak ang pagluha upang ipakita sa kaniya na kami’y matapang at malakas subalit tuwing kami’y dudulog sa Diyos ay hindi maiwasan na kami’y tumangis. 

“Ang pangunahing laman ng aming mga pagdaing - alisin ang kirot at hapdi at kung puwede ay ako na lamang bilang ama ang magdanas para sa aming anak. Oo nga at may magaling na Doktor, oo nga at merong mga gamot at pasilidad subalit lahat ay walang halaga kung hindi ipapahintulot ng Diyos na si Zoey ay gumaling.”

Si Zoey ay panganay sa dalawang anak ni Anthony at asawa nitong si Rossel Taberna. Dahil sa ibinahaging ito ng mamamahayag tungkol sa pinagdaraanan ng anak at ng pamilya nito, agad din na nagpaabot ng mga mensahe para kay Zoey ang mga personalidad na hanga sa tapang nito.

Sa simpleng mga mensahe ay pinatatag nila ang loob ng pamilya ni Anthony at nagpaabot ng kanilang pagdarasal para sa mabilis na pagaling ng anak nito.

“Kahanga hanga ‘yung lakas ng loob niya na harapin ang pagsubok na ‘to ng buong tapang. Magpagaling ka Zoey. In God’s grace po malalampasan niyo rin ito,” mensahe pa rito ni Pia Wurtzbach.

“Dear Anthony, sending you my love and prayers. Jesus is faithful. He sees your daughter’s beautiful heart,” ang simpleng mensahe naman ni Karen Davila para sa kapwa mamamahayag.


“Ipagdarasal ko ang iyong pamilya, Ka Tunying. Mukhang fighter naman si Zoey. Kaya dapat mas fighter kayo ni mare. Mahal ko kayo. Will pray for Zoey. Gagaling si Zoey,” dagdag ani naman ni Ogie Diaz.

Source: PEP

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment