Saturday, December 5, 2020

Dating Miss Universe Philippines, Sinagip ang Isang Lalaki sa Pagkakalunod

Sa kabila ng mga babala sa kanya ng kanyang mga kasama, hindi nagpapigil ang beauty queen at Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters sa pagsagip sa isang nalulunod na lalaki sa Siruma, Camarines Sur.

Gamit ang kasanayan nito sa pagsu-surf, sa kabila ng panganib dahil sa alon ay matagumpay nitong nasagip ang lalaki na nagngangalan umanong Topheng.

Sa ibinahaging Instagram post ng fiance nito na si Governor Migz Villafuerte, inihayag niya rito ang pagiging proud kay Peters sa pagsagip sa naturang lalaki. Nagbahagi pa ito rito ng larawan ng finace kasama si Topheng. 

“So proud of my girl @rachelpetersx for saving this guy's life who got caught in a strong riptide earlier! Very close call. The ocean is a whole different world and learning surfing the right way, with the right people is the best way to know the ocean!” saad pa nito.

Dagdag biro pa ni Vilafuerte, dahil raw dito ay papayagan niya na ang fiance na magpabalik-balik sa Siargao.

“Sige na papayagan na kita magsiargao ng magsiargao pa more babe,” ani pa nito.

Sa isa namang Facebook post, isang netizen ang nagbahagi ng naturang pangyayari kung saan, nakunan nito ng larawan ang pagsagip ni Peters sa lalaki gamit ang kanyang surfboard. Ani rito, hindi raw nagdalawang isip ang beuaty queen na muling bumalik sa tubig para balikan ito.

“drowning barber X miss universe… dehins sya nagduwang isip guys na magbalik sa lineup para sagipun c topheng dawa may nagpupurugul saiya, nasa pang pang na sya pahawas na sya,” saad pa ng naturang netizen.


Dahil dito kaya tumanggap ng kabi-kabilang papuri si Peters mula sa mga taong hanga sa lakas ng loob nito at sa pagsuong nito sa peligro para lamang iligtas ang nasabing lalaki.

Taong 2017 nang manalo si Peters sa Binibining Pilipinas at irepresenta nito ang bansa sa Miss Universe 2017 kung saan, nakapasok ito sa Top 10 ng kompetisyon. Kilala din ang beauty queen sa pagsu-surfing nito, paninirahan sa Siargao, at pagkakaroon nito ng coffee shop doon.

Maliban sa pagkapanalo nito sa naturang pageant, ang Filipino-British beauty queen ay napapanood din bilang host ng Metro Channel show na ‘Beached’ kasama si Marc Nelson. 

Kamakailan lang din nang inanunsyo ni Peters ang engagement nito kay Villafuerte matapos ang limang taon nilang pagkakarelasyon. Inanunsyo ito ng beauty queen noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Nito lamang ika-29 ng Nobyembre, ibinahagi din ni Peters ang pagkawala ng kanyang alagang aso na inampon nito matapos na irescue. Ayon kay Peters ay pumanaw ang alaga niyang si Milo dahil sa sakit na erlichia. Saad niya pa tungkol dito,

“I lost my little love this morning, but was in the right place at the right time to save a drowning surfer because I did a little paddle out for you… Milo girl, I’m so sorry I wasn’t with you when you left the physical world but I hope you know I loved you more than words could describe.


“I’m now left with a milo shaped hole in my heart- you were perfection and more than I could’ve ever asked for in my first rescue pup…. I love you sooo much, and I’m so sorry. Rest easy my sweet girl.”

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment