Tuesday, December 8, 2020

Anunsyo ni Skusta Clee at Zeinab Harake, Ikinagulat ng Netizens!


Matapos ang ilang ulit na bangayan at hiwalayan ay mukhang sa isa’t-isa pa rin talaga ang punta nina Skusta Clee at Zeinab Harake. Ito ay matapos ang hindi direkta ngunit malinaw na anunsyo ni Skusta na umano’y mukhang nagkabalikan na naman sila ng vlogger.

Nito lamang Linggo, ika-6 ng Disyembre, isang larawan ng mga ito na magka-akbay ang ibinahagi ng rapper sa Instagram. Makahulugan ang naging caption nito na ayon sa kanilang mga fans ay isa umanong hindi direktang pag-amin sa estado ngayon ng kanilang relasyon.

“Oo na nga! sige na pag-fiestahan nyo na!” saad pa rito ni Skusta.

Hindi naging maganda ang mga naging hiwalayan noon nina Zeinab at Skusta, o Daryl Ruiz sa totoong pangalan. Kontrobersyal ang kanilang mga naging break-up na talaga namang pinag-usapan ng husto ng mga netizen.

Minsan, nang minsang muling maghiwalay ang mga ito ay mayroon pang ibang mga personalidad na nasangkot na rin na siyang dahilan kaya muli na namang pag-usapan ang dalawa. Ilang ulit pa ngang nagtrending ang mga ito dahil sa kanilang mga patutsada sa isa’t-isa.

Saksi ang mga netizen sa siraan at parinigan ng mga ito sa ilang beses ba naman nilang paghihiwalay. Ngunit, sa kabila ng paghihiwalay na umano nila ay madalas pa rin silang iniuugnay na dalawa sa iba’t-ibang mga dahilan.

Kaya naman, iba-iba ang naging reaksyon ng mga netizen sa umano’y muling pagkakabalikan o comeback na namang ito nina Skusta at Zeinab.

Dahil marami sa kanilang mga fans ang gusto na makita pa rin silang magkasama, ang hindi direktang pahayag na ito ng rapper ay magandang balita sa kanila na labis naman nilang ikinatuwa. Biro pa nga ng ilan sa mga ito, buti pa raw ang dalawa ay nagawa nang muling mag-comeback.

Heto nga ang ilan sa mga opinyong ito na ibahagi ng mga netizen:

“anyone can tell me na nag comeback ba si zeinab at skusta?? Omfg!”

“Skusta Clee and Zeinab for ever yown gusto namin… Zeiryl lang malakas”

“Nagkabalikan na officially sina zeinab at skusta. Well, lets be happy for their own descions diba.”


“si skusta at zeinab nag comeback na. babe papahuli ba tayo??? Hahahahahaha.”

Ngunit, mayroong iilan na hindi naging maganda ang reaksyon sa muling pagbabalikan na ito ng dalawa. Ayon sa mga ito, matapos daw ang ilang ulit na pagsisiraan ng dalawa ay hindi maganda na muli lang naman pala umanong magkakabalikan sina Zeinab at Skusta.


Ani pa nga ng ilan sa mga ito,

“Paulit ulit na comeback iz okay. Pero ‘yung nagsiraan na kayo sa isa’t isa publicly tapos magbabalikan pa din lang naman kayo iz stupidity. haynako zeinab and skusta. Not a fan nor a basher.”

“sarap kurutin sa singit ng mga babaeng halos isumpa sa social media mga ex nila tapos paulit ulit naman binabalikan HAHAHAHA umay zeinab and skusta!”


Gayunpaman, anuman ang totoong estado ng relasyon ng dalawa, ayon sa mga netizen ay basta’t masaya ang dalawa sa kanilang desisyon ay magiging masaya na lamang din umano ang mga ito para kina Zeinab at Skusta.

Source: thepader

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment