Tuesday, December 8, 2020

Sikat na Aktor, Tinatawag na ‘Papa’ ng Anak ni Ellen Adarna


Sa Instagram, maraming mga netizens ang natutuwa dahil madalas na kasama ng aktres na si Ellen Adarna ang anak nitong si Elias Modesto. Si Elias ay ang anak ni Ellen sa aktor na si John Lloyd Cruz.

Madalas ay ito ang sentro ng kanyang mga video posts sa Instagram story kaya naman tuwang tuwa ang mga netizens dahil sa napaka-cute na bata.

Kamakailan lang, maraming mga netizen ang natawa kay Elias dahil sa sagot nito nang tanungin siya ni Ellen kung sino raw ang kanyang papa. Dito ay gulat at tawang-tawa ang aktres sa pangalan na binanggit ng anak.

“What’s your papa’s name?” tanong pa rito ni Ellen.

“Piolo,” ang mabilis naman na sagot ni Elias.

Natatawa man, agad na itinama ni Ellen ang sagot ng anak at sinabihan na hindi si Piolo ang papa nito. Saad pa nga nito kay Elias,

“Your papa’s name is not Piolo uy. Your papa is not Piolo.”

Ngunit, sa tuwing tinatanong ulit ni Ellen ang anak ng, “What’s your papa’s name?”, ang pangalan pa rin ni Piolo ang sinasagot nito. 


“Ginoo ko! Lol! Hala Papa P!!! Ikaw daw ang ama! @piolo_pascual,” pagbanggit naman ulit tungkol dito ni Ellen at naka-tag pa si Piolo Pascual.

Sa isa ulit panibagong Instagram strory, tinanong ulit ni Ellen ang anak ng, “Who’s your papa?”. Sa pagkakataong ito, hindi na ‘Piolo’ ang sinagot ni Elias kundi “Papa P” na siya namang palayaw ng aktor.

Kaya naman, pabirong saad pa ni Ellen tungkol dito,

“Hala! John Lloyd left the group chat…”

Tawang-tawa naman ang mga netizen sa mga ibinahaging Instagram story na ito ni Ellen ng kanyang anak at ang biro niya tungkol dito.

Ngunit, mukhang hindi naman pala talaga si Piolo Pascual na aktor ang itinutukoy dito ni Elias. Ito ay matapos ang ibinahaging Instagram story ulit ni Ellen kung saan, ipinakilala naman nito ang kanilang aso na ang pangalan din pala ay ‘Piolo’ o ‘Papa P’.

“This is Papa P guys. Mao daw ni iyang papa, Piolo gyud ang pangan ani niya. (Ito daw yung tatay niya, Piolo talaga pangalan nito),” paliwanag pa nga rito ni Ellen.

Maliban dito, isa pang nakakaaliw na IG story ang ibinahagi ng aktres kung saan, dito ay makikita naman ang kakulitan ng anak. 

Sa isang video, nais lamang kumuha ng larawan ni Ellen or mag-’pose’ ngunit, itinutulak o ipinu-’push’ ito ng anak. Tawang-tawa naman dito ang mga netizen na relate din umano sa aktres.

Sa isa pang video na ibinahagi nito ay makikitang tuwang-tuwang nakaupo sa mukha ni Ellen ang anak. Ani pa rito ni Ellen, “Love, my face is not a chair.”

Tawang-tawa at relate na relate naman kay Ellen ang mga netizen sa mga ibinahagi nito na umano’y ilan lamang sa mga pinagdadaanan nila sa kanilang mga anak. 

Samantala, nabanggit naman kamakailan lang ni John Lloyd ang anak sa isang panayam na pinaunlakan nito. Bagama’t hiwalay na sina Ellen at John Lloyd, nagkakasundo naman ang mga ito para sa kanilang anak. 


“Wala na yatang mas liligaya pa pagka mayroon kang maliit na anak. Two years old na, ang kulit. Wala nang kasing saya. Parang ang lupit. My little savior,” ni pa rito ng aktor.

Source: latestchika


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment