Susi ang asong ito sa Cebu upang marescue at mailigtas ang buhay ng isang sanggol na lalaking kakasilang pa lamang umano na inabandona sa isang dumpsite sa lungsod ng Sibonga sa Southern Cebu nito lamang ika-24 ng Disyembre.
Ayon sa ulat, nang naturang araw bandang alas 11 ng umaga ay binabaybay ng naka-motor na si Junrell Fuentes Revilla ang Barangay Magkagong sa Sibonga nang napansin nito ang isang aso na sunod nang sunod sa kanya.
Kinukuha umano ng aso ang atensyon ni Revilla kaya minabuti nito na tingnan kung bakit ganito ang ikinikilos ng aso. Sinundan umano nito ang aso na dinala siya sa isang madamong bahagi ng dumpsite sa lugar.
Dito ay natagpuan ni Revilla ang isang sanggol na nakabalot sa isang kulay brown na tuwalya. Maliban dito, sa tabi nito ay nandoon umano ang placenta ng bata na nakasilid sa isang plastik.
Agad nito na dinala ang sanggol sa malapit na ospital at naireport sa kapulisan ang nangyari. Maayos na umano ngayon ang kalagayan ng sanggol na lalaki at nasa pangangalaga ngayon ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Sibonga.
Samantala, natuklasan din na nakakabit pa sa pusod ng sanggol ang ilang bahagai ng umbilical cord nito kaya ayon kay Police Master Sergeant Venus Tampos ng Sibonga Police Women and Children Protection Desk, maaaring kakasilang pa lamang umano ng bata nang madiskubre ito ni Revilla.
Nananawagan na ngayon ang mga awtoridad para matunton ang nanay o mga magulang ng sanggol at papanagutin ang mga ito. Hinihikayat din ng mga awtoridad na ireport ang mga kakilala nilang kakapanganak pa lamang ngunit walang dala o inaalagaang sanggol.
Ang naturang aso naman na siyang naging dahilan kung bakit natagpuan ang sanggol ay madalas umano na nandoon sa dumpsite sa Sibonga. Isa umano ito sa limang aso na madalas narorooon.
Dahil naman dito kaya maraming mga netizen ang natuwa at bumilib sa asong ito na sumagip sa buhay ng sanggol dahil sa pagkuha nito sa atensyon ni Revilla at pagdadala rito sa sanggol. Ani ng mga netizen, minsan umano ay mas makatao pa ang mga aso kaysa sa totoong mga tao.
Hiling naman ng iba, sana raw ay mayroong magmahal at mag-alaga ng maayos sa asong ito upang hindi na ito maging ligaw o palaboy lamang.
Heto pa ang ilan sa mga komentong iniwan ng mga netizen tungkol sa bayaning aso na ito:
“Thank you, doggy, for saving the child… You are more concerned than the Mom who threw her baby away. You ought to receive an honor.”
“Then how about the dog? Please look for a family that will love and care for the dog just how he cared for us human beings.”
“Omg!! The Dog was an angel. The Holy Spirit used the dog to save the infant. God bless you baby!”
“What an act of heroism you have shown to the world, doggie. I wish someone could give him a furever home. You deserve a loving family.”
“Please don't forget about the dog. He/she deserves a loving home. Please adopt this dog.”
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment