Sunday, December 27, 2020

Dating Karelasyon ng Girlfriend Daw ni Boy Tapang, May Patutsada sa Kanila sa Facebook


Trending ngayon sa Facebook ang ibinahaging mga post ng netizen na si Jerick Espiritu tungkol sa dati nitong karelasyon na umano’y girlfriend na ngayon ng social media personality na si Boy Tapang. 

Dito, nagbahagi si Espritu ng mga larawan ng dating girlfriend at ni Boy Tapang habang naglalabas ng kanyang saloobin tungkol sa relasyon ngayon ng dalawa. Noong nakaraang pasko raw sana ay nasa dalawang tao at 10 buwan na ang kanilang relasyon ng dating girlfriend kaya masakit para rito ang nangyari sa kanila.

“After 2years and 10months na sana ngayong Dec. 25 pero wala na walaa na, ang sakit bullsh*tt sobrang sakit mga p*k*ng ina niyo. P*tang *na mo, Boy Tapang. Nakafollow pa naman ako sa original account mo at page mo tapos ganito,” ani pa ni Espiritu.

Hindi pa rito nakuntento ang netizen at nagbahagi ulit ng ilan pang mga larawan nito kasama ang dating girlfriend. Ani ng mga netizen, mukhang hindi umano matanggap ng netizen na ipinagpalit ito ng dating girlfriend kay Boy Tapang.

Ngunit, sa kabila ng ilang mga komento kung saan nakikisimpatiya ang ilang mga netizen sa saloobin ni Espiritu, mayroon namang iba na salungat ang naging pananaw sa mga ibinahaging Facebook post na ito ng netizen.

Ani ng mga ito, baka hindi lang raw talaga para sa isa’t-isa ang mga ito kaya mas mabuting tanggapin na lamang nito ang bagong relasyon ng dating girlfriend. Sa kabila ng halos dalawang taon nilang relasyon, hindi naman umano imposible na maghiwalay ang mga ito dahil kahit nga ang mga mag-asawa ay naghihiwalay din.


Samantala, bilang sagot ay naglabas din ng kanyang saloobin ang babaeng tinutukoy dito ni Espritu na dati niyang girlfriend. Dito, hindi niya umano maintindihan kung bakit nagpo-post ngayon ang dating karelasyon gayong alam naman umano nilang dalawa kung sino ang talagang may kasalanan nang maghiwalay sila.


Ayon dito, sinisiraan niya lamang umano si Boy Tapang at hindi niya umano alam kung bakit ito ginagawa ni Espiritu. Wala umanong kasalanan o ginawang masama rito si Boy Tapang kaya wala itong karapatan na siraan ito sa social media.

Kung tutuusin, ito naman umano ang dahilan kung bakit sila naghiwalay kasi hindi maayos ang naging pakikipagrelasyon nito sa kanya kaya sana raw ay huwag itong magmalinis. Pagbabahagi pa nga nito,

“If mabasa nimo ni, Jerick, pls lang let go. Di ko mawala sa imo kung gitarong ko nimo pagdala! I know! We both know kabaw ka sa pasabot nako! Ayaw pangayo ug sympathy sa mga tao! Kay wakoy sala! Wala mi sala ni Ronnie! 

“Ikaw ang nagguba sa relationship natu! Ayaw panira para lang mo fame ka!”


[If mabasa mo to, Jerick, pls lang let go. Hindi ako mawawala sa iyo kung inayos mo lang ang pagdadala sakin. I know! We both know na alam mo ang ibig kong sabihin! Huwag kang humingi ng sympathy sa mga tao dahil wala akong kasalanan! Wala kaming kasalanan ni Ronnie! Ikaw ang sumira sa relastionship natin! Huwag kang manira para lamang sa fame!]


Dagdag ani pa nito, sa mga naniwala raw sa post ni Espiritu ay sana raw inalam muna nila ang buong istorya.

Source: facebookfacebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment