Saturday, December 26, 2020

Lani Misalucha, Ibinunyag na Mayroon itong Karamdaman kaya Biglang Nawala sa TV


Emosyonal ang tinaguriang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha nang ihayag nito sa publiko ang dahilan kung bakit hindi na ito isa sa mga hurado sa ‘The Clash’ ng GMA 7.

Sa ipinalabas na Christmas Special ng ‘The Clash’ nitong pasko, naluluha ang singer nang inanunsyo nito na apektado ang kanyang pagkanta dahil hindi na nakakarinig ang kanyang kanang tainga dahil sa pinagdaanan nitong sakit.

Si Lani ay nagkaroon ng bacterial meningitis na dahilan kaya nabingi ang kanyang kanang tainga. Ngunit, maliban kay Lani, maging ang asawa nito ay dinapuan din ng parehong sakit.

“Medyo bingi, hindi pala medyo. Bingi po talaga ang nangyari sa akin, dito sa right side ko, kaming mag-asawa. Meron po kaming vestibular dysfunction kaya po kailangan namin ng alalay lagi,” pagbabahagi pa ng singer.

Hindi lamang si Lani ang naging emosyonal sa muli niyang paglabas sa talent show kundi pati na rin ang mga nakasama niya rito na sina Christian Bautista at Ai-ai delas Alas. Ayon sa singer, namiss daw nito ang mga kasama sa show at nagpapasalamat siya para sa patuloy pa ring suporta ng mga ito sa kanya.

“Na-miss ko ang ‘The Clash’. Na-miss kong magwork. Namiss ko kayo dahil you’ve been also good to me and of course you’ve been very very wonderful. Nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos dahil buhay ako, buhay kaming mag-asawa…


“Maraming salamat po sa lahat ng mga kaibigan at pamilya ko at mga supporters ko. They’ve been praying for me and I know that. I'm very very grateful for that,” dagdag ani pa nito.

Maliban dito, pinasalamatan din ni Lani si Pops Fernandez na siyang sumalo at pumalit sa kanya bilang isa sa mga hurado ng ‘The Clash’.

Nilinaw niya rin dito na hindi COVID-19 ang tumama sa kanila kaya hindi sya agad nakabalik sa programa. Natatawang ani pa nga ni Lani, mas malala pa raw sa COVID-19 ang tumama sa kanya at kanyang asawa.

“Sa lahat po sa inyo, wag po kayong mag-aalala. Hindi po ako nagkasakit ng akala niyo COVID. Hindi po! Kasi kung COVID ‘yan, madali akong makakabalik dito. Ang nangyari lang po sa akin ay mas matindi sa COVID,” saad pa nito.

Ayon kay Lani, ika-9 ng Oktubre nang una umanong isugod sa ICU ang mister nitong si Noli matapos makaranas ng labis na pananakit ng katawan at ulo. Nang sumunod na araw, ito naman ang isinugod sa ospital dahil din sa parehong dahilan na may kasama ring pagkahilo at paghina ng kanyang pandinig.

“Meron lang talaga kaming patuloy na nararamdaman which is 'yung dizziness, and pagkahina ng pandinig… Para kang nasa ilalim ng tubig, so muffled talaga saka high-pitched,” saad pa nito.

Bagama’t noong una ay nahihirapan ang singer na tanggapin ang kondisyon lalo na’t apektado nito ang kanyang pagkanta, kalaunan ay natutunan din umano ni Lani na unti-unting tanggapin ang nangyari sa kanya. Pagbabahagi pa nito,


“Alam mo 'yun, na parang, paano ito? Singer ako, kailangan ko ng pandinig ko. Sinabi ko sa sarili ko, 'Okay, singing may not be for me anymore’... 

“Sabi ko okay lang, kung ito yung binigay na challenge then I'll take the challenge.”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment