Apat na araw matapos na sumailalim sa rhinoplasty surgery, laking gulat ng pasyenteng si Zhao sa China na isang parte ng tainga nito ang nawala.
Ayon sa 31 taong gulang na babae, hindi niya raw alam at hindi rin ipinaalam sa kanya na ginamit pala ang parteng ito ng kanyang tainga sa pagsailalim niya sa rhinoplasty surgery o pagpapaayos ng ilong.
Buwan ng Setyembre nang sumailalim sa Zhao sa naturang operasyon sa Angel Wing Hospital sa Chingdu, China. Ayon sa babae ay pangalawang beses na raw nitong sumailalim sa nose surgery.
Limang taon ang nakakaraan ay sumailalim din siya sa nose surgery ngunit, sa pagkakataong ito lamang siya nagkaroon ng problema matapos madiskubre ang pagkawala ng kanyang ‘tragus’, isang maliit na bahagi ng tainga sa bandang bukana nito.
Maayos naman umano ang kinalabasan ng operasyon ngunit, nagulat na lamang ito matapos ang ilang araw nang mapansin ang pagkawala ng naturang parte ng kanyang tainga.
Dahil dito kaya agad na nagreklamo si Zhao sa ospital na gumawa rito ng kanyang nose surgery. Ayon kay Zhao, hindi umano ipinaalam sa kanya ng ospital na ang bahaging ito ng tainga ang gagamitin sa operasyon at hindi ang sa likurang bahagi nito.
Agad itong nakipag-ugnayan sa nasabing ospital at nagpadala siya rito ng larawan ng kanyang tainga. Ayon sa ospital, nagdesisyon daw ang mga ito na gamitin ang ‘tragus’ ng tainga ni Zho dahil maaari raw makaapekto sa pandinig nito kung ang likurang bahagi ng tainga ni Zhao ang kanilang gagamitin.
Ngunit, hindi kumbinsido rito si Zhao kaya kumunsulta ito sa ibang mga doktor upang kumpirmahin ang dahilan ng ospital na nagsagawa ng kanyang operasyon.
Ayon sa mga doktor na kinunsulta nito, normal lamang umano na gamitin sa nose surgery ang likurang bahagi ng tainga at wala naman umano itong masamang epekto sa pandinig gaya ng idinadahilan ng naturang ospital kay Zhao.
Dagdag pa ni Zhao, wala din umanong hininging pahintulot sa kanya ang ospital na ang naturang parte ng kanyang tainga ang kanilang gagamitin.
Kaya naman, humihingi ngayon si Zhao ng ‘full refund’ sa ibinayad nito para sa operasyon, ‘financial compensation’, at panibagong operasyon o plastic surgery para ayusin ang kanyang tainga. Ayon sa pasyente, dahil sa nangyari ay nahihiya na itong ipakita ang kanyang tainga sa publiko dahil sa laki ng epekto nito sa kanyang itsura.
Maliban dito, dahil sa pagkawala ng kanyang ‘tragus’ ay palaging nahuhulog ang ginagamit nitong ‘earphone’ o ‘earbud’ dahil hindi na ito magkasya sa kanyang tainga.
Ngunit, idiniin ni Yuan, ang vice president ng naturang ospital, na bago ang operasyon ay pumirma ng kasunduan si Zhao. Sa naturang kasunduan, nakasaad na sa rhinoplasty surgery ay papayag ito na gamitin ang anumang bahagi ng kanyang tainga, o ang kanyang buong tainga.
Dahil dito kaya nanindigan ang hospital na wala silang kasalanan at hindi nila ibibigay ang mga gustong mangyari ni Zhao tulad ng hinihingi nitong ‘refund’ mula sa kanila. Dahilan naman ito para mas lumaki ang gulo kung saan, pumagitna na sa kanila ang mga awtoridad.
Source: whereinbacolod
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment