Thursday, December 3, 2020

Lalaki, Ikinalungkot ang Pagkamatay ng Kanyang Alagang 12ft Python na Nalunod sa Baha


Dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses sa bansa noong nakaraang buwan ay kinailangang lumikas ng mga residente sa Luzon lalong lalo na sa Metro Manila sa kanilang mga bubungan dahil sa napakataas na baha.

Sa paglikas ng mga residente sa matataas na mga lugar, kasama ng mga ito ang kanilang mga alagang hayop gaya ng mga aso at pusa. 

Ngunit, ikinalungkot ng isang residente na ito sa Marikina nang hindi nakaligtas sa baha ang kanyang alagang sawa o Burmese python na nasa 12 talampakan ang haba. Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Mcperson Castro Merto ang tungkol sa namatay niyang alaga na naging ‘bloated’ ang katawan dahil sa baha.

“Na-recover ko katawan ng alaga (kong) si Lance! Kawawa naman kinamatay sa lunod pa. Nakakaawa. Sorry Lance!” ani pa rito ni Merto.

Inabot umano ng baha maging ang ikalawang palapag ng bahay nina Merto. Ayon sa netizen, nadala naman umano nito sa kanilang bubungan ang iba niyang mga alaga gaya ng mga aso at pusa. 

Sinubukan din umano nito na iligtas ang alagang si ‘Lance’, ang kanyang Burmese python, ngunit dahil sa laki nito ay nahirapan siyang dalhin ito sa bubungan sa pamamagitan ng kanilang bintana.

“Nalubog po buong bahay namin hanggang second floor at hindi siya mailabas sa bubong kasi hindi nag-kasya sa bintana,” pagbabahagi pa nito.


Maliban dito, nag-alala din umano si Merto na baka matakot ang mga kasama nilang lumikas sa kanila dahil sa laki at lakas ng sawa. Mayroon daw kasi itong kasama na mga matatanda at bata. Nag-alala raw siya na baka madagdagan lamang ang pagkabahala ng mga ito kapag dinala niya ang alagang sawa.

Baka rin daw kasi makatakas lang si Lance at magdala ng takot sa ibang mga tao.Gayunpaman, labis nitong ikinalungkot na sa baha o pagkalunod pa namatay ang alaga na espesyal para sa kanya.

“Naligtas ko mga aso at pusa namin. Siya kasi hindi pwede ilabas dahil baka matakot ang mga nakisilong sa bubungan namin, may matanda at bata. Bawal ko ilabas kasi malakas na yan, baka makatakas at matakot pa ang mga tao at ma-stress pa sila lalo…

“Ang pangit lang kasi, sa ganitong paraan siya namatay ang alaga ko. Nakakalungkot talaga!” dagdag saad pa nito.

Ayon kay Merto, hindi lamang ordinaryong alaga si Lance dahil bigay umano ito sa kanya ng isa niyang malapit na kaibigan na namayapa na rin. Anim na taon niyang inalagaan ang regalong ito sa kanya ng kaibigan kaya naman, hindi nito mapigilan ang malungkot.

“Bigay lang po sa akin yang alaga ko. Two weeks old siya nang iregalo sa akin nang kaibigan. Mahalaga sakin yan kasi ang bait nang kaibigan ko na yun at wala na rin dito ang kaibigan ko, magkasama na sila,” ani pa rito ni Merto.


Gaya nito ay nalungkot din ang ilang mga netizen sa sinapit ng kanyang alaga. Maliban sa alagang ito ni Merto ay ilan pang mga alagang hayop din ang namatay dahil sa pagkalunod sa baha bunsod ng pananalasa ng bagyong Ulysses.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment