Hindi man direkta ay marami ang naniniwala na isang kumpirmasyon ang pagbabahagi ng dating beauty queen na si Sandra Seifert ng larawan ng anak nito at si Cesar Montano. Dito, ipinapahiwatig daw ni Seifert na ang aktor ang ama ng kanyang anak.
“Love Actually #fiveweeksbeforechristmas,” ang simpleng saad pa ni Seifert sa kanyang Instagram post.
Sa larawan, makikita si Montano habang yakap ang limang taong gulang na si Corinth Ian. para sa marami, ang larawang ito ay isang hindi direktang kumpirmasyon na anak nga ni Montano ang bata.
Sa naturang IG post, halu-halo man ang naging reaksyon ng mga netizen sa ibinahaging ito ni Seifert ay mas pinili niya na maging positibo sa pagsagot sa mga ito. Pinasalamatan nito ang nagbigay sa kanya ng mga positibong mensahe ngunit maging sa mga nagbigay ng negatibong komento ay mas pinili ni Seifert na maging positibo pa rin sa pagsagot sa mga ito.
Kung matatandaan, taong 2015 nang kumalat ang balita ng relasyon ni Seifert at Montano. Kumalat din noon ang balita na buntis ang dating beauty queen sa anak nila ng aktor.
Bagama’t hindi rin direkta ang kumpirmasyon noon ni Montano sa relasyon nito kay Seifert, madalas na makita ang dalawa na magkasama sa Estados Unidos. Minsan, magkasama raw ang mga ito na nanood at naging audience members ng programang ‘Ellen Degeneres Show’ noong 2015.
Kamakailan lang, sa isang panayam ni Seifert sa Philippine Entertainment Portal, o pep.ph, nito lamang Hunyo, nabanggit nito ang anak ngunit hindi rin nito direktahang pinangalanan ang ama nito.
Dito, naibahagi niya ang tungkol sa pagbubuntis nito dati sa anak. Saad niya rito,
“I was very active in ministry work, so one of my greatest fears was being criticized for being pregnant before marriage, especially here in the Philippines. I didn’t want to disappoint them, but I also didn’t want them to think what I did was okay.
“At the same time, I am also only human, and when we are in love, a lot of times we are blinded and act more based on emotion rather than rationality. Since Corinth is a child born out of love, and one of my favorite chapters in the Bible that defines love is First Corinthians Chapter 13, I thought it was perfect.
“His dad gave him his middle name 'Ian' so his name is actually Corinth Ian.”
Nabanggit din nito ang ilan sa mga pagkakatulad daw ng anak sa ama nito. Pagbabahagi pa ulit ni Seifert,
“Overall, I think he got the best of both parents—because of his dad he is athletic, highly motivated, enthusiastic, funny, a hustler who never gives up, and very bibo and lambing! Oh, and he also got his dad’s dimple!
“I decided to raise Corinth without a nanny because I want to be there every step of the way as he grows up. He only sees his father once in a while so I didn’t want him to end up seeing his mother only once in a while either.”
Si Seifert ay nanalo bilang Miss Earth Philippines 2009 at itinanghal din bilang Miss Air o first runner-up sa naganap na Miss Earth 2009.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment