Friday, December 25, 2020

Babaeng Pasahero, Napagkamalang Kabit ng Isang Angkas Rider

Isang insidente ng ibinahagi ng netizen na ito kamakailan lang tungkol sa misis ng isang Angkas rider na ibo-book sana nito. Napagkamalan lang naman umano siyang kabit nito at kinompronta pa tungkol dito.

Sa Facebook, ikinagulat ng netizen na si Bianca Ramos ang biglaang pagmemessage sa kanya ng nagpakilalang misis umano ng sasakyan sana nitong Angkas rider. Dito, nagbahagi si Ramos ng mga larawan ng ipinadalang mensahe sa kanya ng naturang misis.

Noong una, naghahanap ng masasakyang Angkas si Ramos kaya isang rider nito ang nagtanong sa kanya kung mayroon na ba itong nai-book na Angkas rider. Para naman kay Ramos, isang simpleng ‘kuya’ ang naisagot niya rito.

Ngunit, kinaumagahan, nagulat na lamang ang netizen nang muling magpadala sa kanya ng mensahe ang naturang rider. Lumalabas, misis na pala nito ang nagpapadala ng mensahe na agad kinompronta si Ramos dahil sa palitan daw nito ng mensahe sa kanyang mister.

“Sino ka? Anong kailangan mo sa asawa ko…,” ani pa nito kay Ramos.

Hindi rito natigil ang naturang misis at agad nagbato ng hindi magandang akusasyon sa netizen. Dito, sinabihan niya si Ramos na maghanap na lamang daw ito ng ibang lalaki na walang resposibilidad at matatawag daw nitong ‘kuya’.

Ngunit, ang huli nitong paratang kay Ramos ay talagang nagpagalit dito dahil sinabihan lang naman nito sa Ramos na baka gusto lamang daw nitong maging ‘kabit’.


“Pa kuya kuya ka pa tapos ano next… Hoy girl, marami naman diyan ‘yung walang mag responsibilidad na pwede mo tawagin na kuya…

“O baka gusto mo maging kabit,” saad pa ng misis kay Ramos.

Kaya naman, hindi na napigilan ni Ramos ang sarili at sinagot ang misis ng Angkas rider. Dito, hindi siya makapaniwala na pinagkamalan o pinaghinalaan siya nitong kabit ng kanyang asawa. Hindi rin nakatulong sa pagkabigla ni Ramos na umagang-umaga ay ito agad ang bumungad sa kanya. 

“I was just going to book an Angkas??? Kapal ng lipid mo as if naman magjowa someone like your asawa shame on you…,” prangkang ani pa rito ni Ramos.

Dagdag mensahe niya pa rito, kung ayaw umano nitong magselos o magduda sa mga pasahero ng kanyang asawa, mas mabuting ‘wag na lamang umano nitong pagtrabahuin ang mister. Hindi pa rito nakontento si Ramos at inihayag ang pagkadisgusto dahil tinawag siya nitong ‘kabit’.

“Wag mo pagtrabahuin asawa mo kung ayaw mo may magchat na costumer ok? Or gusto mo ikaw na mag-Angkas para di ka naghihinala diyan… tali kita sa gulong ng aswa mo eh tignan natin sinong kabet,” ani pa ulit ni Ramos.

Maraming mga netizens naman ang hindi napigilang matawa dahil sa pangyayaring ito. Maging ang mga ito ay hindi rin makapaniwala sa ginawang akusasyon ng misis ng Angkas rider para sa simpleng pasahero lamang ng Angkas rider na mister.

Kaya namana, payo ng mga ito, kahit minsan ay hindi umano naiiwasan ang magselos, sana ay ilagay naman umano ng mga ito sa lugar ang kanilang pagseselos dahil kagaya ng nangyaring ito, baka maapektuhan pa umano ang trabaho ng kanilang mga mister dahil lamang sa kanilang pagseselos.

Source: showbizphinsider


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment