Thursday, December 24, 2020

Bangayan ng Seller at Buyer Dahil sa Nakalagay sa mga Order na Souvenir, Viral sa Facebook


“The customer is always right”. 

Ito ay isang kasabihan na sinusunod ng maraming mga nagnenegosyo dahil ayon sa mga ito, laging dapat na nasusunod ang gusto at satisfaction ng customer sa iyong mga produkto.

Ngunit, iba ang naging kaso na ito ng isang seller at kanyang customer dahil ipinaglaban ng seller ang kanyang gusto at alam nitong tama laban sa umano’y gusto at sa tingin naman nito ay tama ng kanyang customer.

Kaya naman, bangayan at parinigan sa social media ang naging resulta ng hindi nila pagkakaintindihan.

Ang naging ugat ng kanilang hindi pagkakaintindihan ay ang mga inorder na souvenir ni customer sa seller na si Trish Garcia de Leon para sa binyag ng kanyang anak. Dito, inirereklamo ni customer kung bakit daw mayroong nadagdag na letrang ‘s’ sa kanilang apelyido na nakalagay sa souvenir.

Ang tinutukoy rito ni customer ay ang letrang ‘s’ sa “Melchor’s Christening’ na nakasaulat sa mga souvenir. Dito, iginiit ni de Leon na tama ang inilagay nitong ‘s’ sa nasabing nakasulat sa produktong inorder nito. Iginiit nito na walang mali sa ginawa nito sa order ni customer na souvenir.

Ngunit, hindi pa rin mapakali si buyer dahil sa paniniwala naman nito ay mali na nilagyan daw ng ‘s’ ang apelyido nilang ‘Melchor’ dahil wala naman umanong ‘s’ dapat sa natura nilang apelyido.


Hindi nagkaintindihan ang dalawa dahil pareho nilang iginigiit na tama ang mga ito. Kaya naman, parinigan ang nangyari sa mga ito sa social media. Ayon kay buyer, hindi na raw ito ulit o-order sa naturang seller dahil mas marunong pa raw ito sa kanya na customer kahit na malinaw na ito raw ang may mali.

Sa panig naman ng seller, nagkaroon ito ng pag-uusap sa isa pang netizen kung saan, tinawag nilang ‘bobo’ ang naturang customer na ipinipilit ang kanyang gusto.

Samantala, magkaiba naman ang reaksyon ng mga netizen sa insidenteng ito ng bangayan ni seller at customer. Ang ilan sa mga ito ay pumanig kay seller dahil tama umano ang ginawa nito na paglalagay ng ‘s’ sa nakasulat sa souvenir ng natura niyang customer.

Ang paglalagay ng ‘s’ sa pariralang “Melchor’s Christening” ay tama sapagkat ito ay pasok sa tinatawag na ‘possesive form of nouns’ kung saan, ang ‘christening’ ay tumutukoy sa bata na ang apelyido ay ‘Melchor’.

Ngunit, mayroon ding ibang mga netizen na nagsasabing ang seller naman ang mayroong pagkukulang sa nangyari. Hindi umano nito maayos at mahinahon na ipinaliwanag ang tungkol sa ginawa nitong paglalagay ng ‘s’.

Dagdag pa ng ilan, dahil paulit-ulit umanong iginiit ni buyer na hindi nito gusto ang ‘s’ na nakarugtong sa apelyido nila sa souvenir, sinunod na lamang sana ito ni de Leon dahil dapat pa ring prayoridad ang ‘satisfaction’ ng customer nito.

Samantala, mayroon ding iilan na nagsasabing parehong may mali ang dalawa at dapat ay hindi na umano sana humantong sa gaanong sitwasyon ang kanilang hindi pagkakaintindihan. Komento pa nga ng isang netizen tungkol dito,


“Simple issue. Sa point of view ng seller, tama siya in terms of grammar. Tama talaga si seller BUT, may specific instruction ang client. Remember, it’s about customer satisfaction and not about the seller’s satisfaction.”

Source: KAMI

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment