Friday, December 25, 2020

Lalaki, Hinamp4s sa Pader ng Kapitan ng Brgy Dahil Walang Suot na Face Shield o Face Mask


Dahil sa COVID-19, ipinapatupad ngayon sa bansa ang malawakang pagsusuot ng face mask o face shield upang proteksyon hindi lamang sa iyong sarili kundi sa iba na rin. Kaya naman, ang hindi pagsusuot nito ay sinisita dahil isa itong paglabag.

Ngunit, ang paglabag dito ay hindi dahilan upang pisikal na manakit sa isang tao. Kaya naman, trending ngayon sa social media ang ginawang ito ng isa umanong Kapitan sa barangay sa isang tao na hindi nagsuot ng face mask o face shield.

Imbes kasi na simpleng pagsita lamang ang gawin sa lalaki, ibinalibag o inihampas ni Kapitan ang lalaking ito sa pader dahil lamang sa wala itong suot na face shield o face mask. 

Sa video na kuha ng naturang pangyayari, makikita na walang kahirap-hirap na binuhat ng Kapitan ang lalaki sa leeg bago ito tuluyang ihampas ng buo sa pader. Dahil naman dito kay nahulog sa sahig ang lalaki na namilipit sa sakit.

Maliban dito ay maririnig din ang paulit-ulit na pagsasabi ni Kapitan ng ‘Tarantado ka’ habang wala namang imik ang lalaking inihampas nito.

Kaya naman, ang video na ito na kuha ang pananakit ni Kapitan sa simpleng dahilan lamang ay agad naging viral at umani ng mga galit na reaksyon mula sa mga netizen. Ani ng mga ito, hindi umano gawain ng isang mabuting Kapitan o lider ang pisikal na manakit ng mga sakop nito.


Dagdag ani pa nga ng ilan, imbes na ihampas sa pader ay binigyan na lamang sana daw ito ni Kapitan ng face mask o face shield. Masyado umanong mataas ang tingin nito sa sarili na kahit ang simpleng solusyon lamang sana ay hindi nito nagawa.

Kaya naman, nais ng mga ito na maipaabot sa kinauukulan ang ginawa ng Kapitan na ito at nang matanggal umano agad sa serbisyo. Hindi umano ito karapat-dapat sa kanyang posisyon dahil sa ginawa nito.

Heto pa nga ang ilan sa mga inis at galit na reaksyon ng mga netizen tungkol sa Kapitan na ito sa viral video: 

“Dapat ihampas din siya sa pader para malaman niya rin ang sakit. Simpleng kasalanan, kawawa ulo at likod! Wala siyang karapatan manakit… Ako sa kanya, binigyan niya ng face shield ‘yan, 3 star pa makukuha mo at saludo.

“Grabe, porket walang face mask or face shield sasaktan ng ganyan? G*go kang kapitan ka! Dapat sa’yo, di ka naging kapitan. Kay sakit naman tingnan kaya dapat matanggal ‘yan sa pag ka kapitan.” 

“Anong klaseng Kapitan ‘yan. Dapat alisin sa pwesto ang mga ganyan. Ang yabang mo naman kapitan.”

“Grabe ka! Kapitan ka pa lang. Wala kang karapatan manakit ng kapwa mo. Mag-isip isip muna kayo bago kayo gumawa ng aksyon at huwag nyong ilagay sa kamay niyo ang pagpaparusa. Face mask lang ang linabag, halos patayin niyo na kapwa niyo.”


“Yung hinagis ni kapitan parang hayop lang! T*ng*na mo, Kapitan!! Face shield lang, bagsak presyo na ngayon di mo pa naabutan pambili! Aabangan kita kay #RaffyTulfoInAction”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment