Wednesday, December 23, 2020

VIRAL LOVESTORY: “Met him when I was 13, said he'd wait till I'm 18 and here we are.”


Isang mala-pelikula o estoryang nababasa lamang sa mga libro ang ibinahagi na totoong lovestory na ito ng isang netizen na naghintay muna ng ilang taon bago tuluyang makapiling ang kanyang mahal.

Sa Twitter, marami ang kinilig at napa-’Sana all’ sa storya ng pag-iibigan ng netizen na si Cyril at ng boyfriend nito. Ayon sa netizen,, 13 years old lamang sila nang unang magkita nito ngunit, hinintay ng lalaki na maging 18 taong gulang muna si Cyril bago sila magkatuluyan.

“met him when i was 13 said he'd wait till I'm 18 and here we are,” ani pa ulit nito.

Gayunpaman, hindi raw naging madali para sa kanila ang limang taon na dumaan mula nang una silang magkita at ipinangako sa kanya ng boyfriend nito na babalikan nila ang isa’t-isa.

Ayon kay Cyril, tatlong taon muna silang naging mag-bestfriend habang ang natirang dalawang taon ay hindi naging maganda sapagkat hindi na sila nag-uuap nang mga panahon na ito. Gayunpaman, sa kabila nito ay nahanap pa rin nila ang isa’t-isa at ngayon ay masaya na magkasama.

“it wasn’t a smooth 5years ,, 3 years of being “bestfriends” and 2 years of not talking and having our own relationships but yea we’ve managed to find our way back to each other,” dagdag pagbabahagi pa nito.

Agad naging trending ang tweet na ito ng nasabing netizen na agad umani ng mga positibong komento mula sa mga netizen. Sa ngayon, umani na ito ng mahigit sa 51,000 likes lang naman at retweets at quote tweets na umabot na sa mahigit 7,000.


Marami ang kinilig sa lovestory na ito ng dalawa na ayon pa nga sa ibang netizen ay hindi nila akalaing nangyayari sa totoong buhay. Ang ganitong mga pangyayari kasi ay napapanood lamang nila sa mga pelikula o di kaya ay nababasa sa mga libro at hindi inakala na mangyayari nga ito sa totoong buhay.

Pagbabahagi naman ng iba, kung mayroon man daw nangako sa kanila na maghihintay, iba pa rin ang lovestory nina Cyril dahil hindi kagaya ng mga ito ay hindi na sila nahintay o naalala pa ng mga taong nangako rin nito sa kanila.

Maswerte nga raw ang mga ito sa relasyon na mayroon sila dahil hindi lahat ng tao ay nakakaranas ng ganito ka-espesyal na pagmamahal. Hindi umano lahat ay kayang maghintay at balikan ang kanilang pinangakuan.

Heto pa ang ilan sa mga ibinahaging reaksyon ng mga netizen tungkol sa viral twitter post na ito ng naturang netizen:

“Sana all na lang. ‘Yung nagsabi kasi ng maghihintay hanggang ready na, may girlfriend nang iba.”

“Totoo pala ‘yung ganito… Akala ko pang teleserye lang ‘to, nangyayari pala talaga sa totoong buhay.” 

“This is what we call true love, kasi diba, true love waits.”


“Duuud keep him. It's hard to find someone like him.”

“Another episode of when kaya? Sana all walang iwanan hahaha”

“Let our response be SANA ALL! when kaya? By the way, stay in love!”


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment