Monday, December 7, 2020

Barbie Forteza, May Patutsada sa mga Umano’y ‘Cheater’: “‘Wag kayong pa-victim!”

Sa bagong segment ng aktres na si Barbie Forteza sa kanyang YouTube channel, sinagot ng aktres ang ilan sa mga tanong sa kanya ng kanyang mga followers. Tinawag niyang ‘Deal With Barbie’ ang segment na ito at nakapagbahagi na siya ng isang episode nito sa kanyang vlog. 

Sa kanyang unang episode, ang mga tanong na ibinahagi kay Barbie ay mayroong kinalaman sa mga relasyon tulad ng mga relasyon ng magkasintahan at relasyon sa pamilya.

Isa sa mga tanong na pinanggigilan ni Barbie ay ang isang tanong tungkol umano sa mga ‘cheater’ o manloloko. Ani dito ng naturang subscriber, bakit umano lumalabas na biktima pa ‘yung mga taong ito kahit na sila ang nanloko.

“Bakit mayroon tayong nagiging karelasyon na sila na nga ‘yung nag-cheat, pero sila pa ‘yung lumalabas na biktima?” tanong pa kay Barbie.

Natawa naman noong una ang aktres at nagbiro pa na mayroon umano itong naalala sa tanong na ito. Ani niya pa nga,

“Oh my gosh, parang biglang may nag-flashback sa akin. Chareng!”

Gayunpaman, sinagot naman ni Barbie ng maayos ang naturang tanong. Para sa aktres, maari raw kasing ang pagiging biktima ang depensa ng mga ‘cheater’ dahil sa guilty ang mga ito sa kanilang panloloko.

“Feeling ko kasi ‘yung mga nag-cheat… feeling ko ano nila ‘yun eh, defense mechanism. ‘Yung dahil sila kasi ‘yung may kasalanan, sila ‘yung nanloko so sila ‘yung kuda nang kuda. Alam mo ‘yon?

“Sila ‘yung mas super explain ng sitwasyon kasi nga dine-defend nila ‘yung sarili nila kasi guilty sila. Hindi mo kailangan maging pa-victim din as long as alam mo kung ano nangyari, malinis ang kunsensiya mo, you have nothing to worry about. Okay?” sagot pa rito ng aktres.

Mensahe pa nga ni Barbie sa mga cheater, “‘Wag kayong pa-victim!”

Maliban sa pahayag na ito ni Barbie ay nagbigay din ito ng payo sa mga taong natakot na umanong magmahal dahil sa labis itong nasaktan sa dati nitong karelasyon. Para kay Barbie, ‘wag daw mag-alala ang mga ito dahil normal lang anamn ang makaramdam ng ganito.

“That’s fine, that’s totally normal. Whatever you’re feeling is valid. Okay? ‘Wag mong isipin na mali ka dahil takot kang umibig ulit. Hindi totoo ‘yon. 

“It’s completely normal and karapatan mo ‘yon. Kasi nga ‘eh grabe ‘yung nangyari sa ‘yo sa past relationship mo, eh. So, siyempre like all wounds, you need time to heal,” ani pa rito ni Barbie

Ngunit, paalala ng aktres, ‘wag naman umanong ‘forever’ na matakot ang isang tao na pumasok muli sa isang relasyon dahil baka mayroon na palang tao na handang maging ‘forever’ rin nito ngunit, hindi nito namalayan dahil nga sa takot nito.

“Pero huwag naman forever kasi malay mo, ‘yung taong nagta-try na pumasok sa puso mo, ‘yun na pala ‘yung forever mo, ‘di ba? You might end up thanking the person na nanakit sa’yo dati kasi kung hindi ka niya sinaktan, di mo makikilala ‘yung perfect na tao para sa ‘yo,” pahayag pa ulit ni Barbie.

Source: INQUIRER

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment