Monday, December 7, 2020

Ivana Alawi, Nanguna sa Listahan ng Top YouTube Creators sa Bansa Ngayong Taon


Nito lamang ika-3 ng Desyembre, hinirang ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi bilang top YouTube creator ngayong taong 2020. Pumangalawa rito ang mga vlogger na sina Zeinab Harake at Lincoln Velasquez, o mas kilala bilang Cong TV.

Pasok din sa listahan ng top local YouTube creators ang artistang si Alex Gonzaga sa ikalimang pwesto at sumunod naman dito ang gamer na si ChoOx TV. Maging ang girlfriend ni Cong TV na si Viy Cortez ay pasok din sa listahan sa ika-8. 

Heto ang kabuuang listahan ng Top 10 local YouTube creators of 2020:

Ivana Alawi
Zeinab Harake
Cong TV
Ja Mill
Alex Gonzaga Official
ChoOx TV
Jelai Andres
Viy Cortez
Donnalyn Bartolome
Jomar Lovena


Samantala, pinangunahan naman ng Team Payaman ang listahan ng top local YouTube breakout creators ngayon taon kung saan, anim sa mga miyembre nito ang napasali. Ang Team Payaman ay grupo ng mga content creators na pinangungunahan ni Cong TV.

Nasa una at ikalawang pwesto nito sina Cong at Viy habang nasa ika-4 naman ang kapatid ni Cong na si Junnie Boy. Ang partner naman ni Junnie Boy na si Vien Ilagan ay nasa ika-7 habang si Boss Keng ay nasa ika-6.

Sa kabila ng malungkot nitong pagpanaw noong nakaraang Agosto, napasama pa rin sa listahan ng top local YouTube breakout creators si Emman Nimedez sa ika-9 na pwesto.

Heto naman ang buong listahan ng mga vloggers na napasama rito sa Top 10 local YouTube breakout creators of 2020:

Cong TV
 Viy Cortez
Jomar Lovena
Junnie Boy
Kathryn Bernardo
Boss Keng
Vien
Leti Sha
EmmanNimedezTV
Donekla in Tandem

Ang video naman ni Emman kung saan malungkot nitong inanunsyo ang tungkol sa pinagdaaranan niyang sakit ay napasama din sa top trending YouTube videos ng taon sa ika-6 na pwesto. Ang naturang video ni Emman ay umani ng mahigit sa 8.8 million views.

Nanguna naman sa listahang ito ng top trending videos ang pagkanta o performance ni Marcelito Pomoy ng ‘The Prayer’ sa America’s Got Talent: The Champions na umani lang naman ng mahigit sa 45 million views.

Tatlong vlog o video naman na kinabilangan ni Ivana ang napasama sa listahang ito. Ang mga ito ay ang kanyang collaboration kay Raffy Tulfo, ang kanyang ‘Boyfriend Prank’ video, at isa pang collaboration sa kanya ni Alex Gonzaga. 

Heto ang buong listahan ng Top 10 trending YouTube videos of 2020:

America’s Got Talent: 

WOW! Marcelito Pomoy Sings “The Prayer” With DUAL VOICES! – America’s Got Talent: The Champions

Raffy Tulfo in Action: 

IVANA ALAWI, NAPAIYAK NI IDOL RAFFY. ITO ANG PRANK NA PARANG TOTOO!

Alex Gonzaga Official: 

Iguana meets Ivana by Alex Gonzaga

Ivala Alawi: 

BOYFRIEND PRANK! | IVANA ALAWI

Mother Kween Vlogs:

ASK MOTHER KWEEN (ANONG MANGYAYARE SA YOUTUBE NI LLOYD?)

Emman Nimedez TV:

KAILANGAN NIYO NA RIN MALAMAN

Ja Mill:

“NIANA PRANK” KAY CHOLO (KINILIG SIYA IH HAHA)

Junnie Boy:

THE JUNNIEBOY PROPOSAL


Jak Roberto:

IGNORING SANYA PRANK | GOLD PLAY BUTTON UNBOXING

Zeinab Harake:

LAST TO LEAVE THE POOL WINS $10,000 (500,000PHP) w/ DOLAINAB | ZEINAB HARAKE


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment