Monday, December 7, 2020

Pagkain ng Adidas (Paa ng Manok), May Magandang Benepisyo sa Katawan


Bagama’t hindi ito trip o gusto ng iilan, marami pa rin ang paborito ang pagkain ng adidas o paa ng manok sa maraming mga lugar. Sa katunayan, hindi lamang mga Pilipino ang nahihilig sa pagkain nito kundi pati na rin ang mga nasa bansang China, Korea, at Vietnam.

Ngunit, maliban sa masarap at kakaibang lasa nito, mayroong isang pag-aaral na nagsasaad ng mga kadahilanan kung bakit mabuti raw sa katawan ang pagkain ng paa ng manok.

Sa isang pag-aaral na isinagawa ng Department of Animal Science ng National Chung-Hsing University sa Taiwan, napag-alaman na ang paa ng manok ay nagtataglay ng ‘collagen’ na kilalang protina na nakakapagpaganda ng balat.

Kaya naman, imbes na gumastos ng malaki para magkaroon ng dagdag collagen sa katawan, ang pagkain umano ng adidas ay isang magandang alternatibo para rito.

Malaking tulong ang naibibigay ng collagen para magkaroon ng malusog at young-looking na balat ang isang tao. Nakakatulong din ito sa pagme-metabolize ng taba kaya maganda ito sa mga taong nais magbawas ng timbang. Maliban dito, nakakatulong din ito sa pagkakaroon ng maayos na daluyan ng dugo.

Ang pagkain din umano ng adidas ay mayroong taglay na nakakatulong maibsan ang epekto ng arthritis. Mayroon umano itong chondroitin sulfate na nakakatulong sa mga taong mayroong sakit na osteoarthritis dahil pinapatibay umano nito ang kasu-kasuan.

Sangkap din ito sa maraming mga supplement na iniinom upang magamot o maibasan ang osteoathritis.


Samantala, ang adidas ay nagtataglay din umano ng hyaluronic acid na nakakatulong upang magkaroon ng young-looking skin ang isang tao at hindi agad tumanda ang balat. Napipigilan o nababawasan umano nito ang paglitaw ng wrinkles na siyang isang senyales ng pagtanda.

Kaya naman, kaysa gumastos para sa mga gamot o mamahaling pagkain na mayroong taglay na collagen, hyaluronic acid, at chondroitin sulfate, ang pagkain lamang ng paa ng manok ay nakapagbibigay na ng benepisyo ng mga ito at hindi na kailangan pang gumastos ng malaking halaga.

Sa Pilipinas, ang inihaw na putahe nito o adidas ang pinakasikat na luto nito. Ito ay popular na street food sa bansa at matatagpuan ang maraming mga nagbebenta nito sa gilid ng mga kalye. Isa ito sa pinakatinatangkilik ng marami dahil napakadali lamang nitong kainin.

Ang adidas, dahil ito ay iniluluto sa isang stick, maaari mo itong kainin sa pamamagitan ng pagkagat sa balat nito. Siyempre, gaya ng ibang mga putahe sa paa ng manok, hindi kinakain ang buto nito. 

Sa putaheng Chinese dimsum naman, bago lutuin ay ibinababad muna ang paa sa iba’t-ibang mga pampalasa tulad ng toyo at black beans. Dahil dito kaya mayroong ‘juicy’ na sarap ng putahe pagkaluto nito.

Sa bansang Mexico, mayroon din umanong popular na putahe roon ang paa ng manok. Dito, binabalot umano muna ng ‘bread crumbs’ ang paa ng manok bago tuluyang lutuin.


Maliban sa Asya kung saan madalas at madaling makahanap ng mga luto ng paa ng manok, patok din umano ang pagluto nito sa mga bansa sa South America tulad ng Trinidad, sa South Africa, at sa bansang Jamaica.

Source: therelatable

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment