Sunday, December 27, 2020

Alagang Aso, Kusang Bumibili ng Barbecue sa Ihaw-ihaw


Maraming mga netizen ang naaliw o natuwa sa alagang aso na ito ng isang netizen na kusa na umanong bumibili ng paborito nitong barbecue sa tindahang ihaw-ihaw malapit sa kanila.

Ayon sa ibinahaging Facebook post ng netizen na si Dante Jimenez, ibinahagi nito ang nakakatawang gawain ng kanyang alagang aso na si Blu. Ani nito, kusa na raw nagpupunta sa ihaw-ihaw si Blu at hindi umaalis doon hangga’t hindi ito binibigyan ng barbeque ng tindero.

Kaya naman, binibigyan na lamang din umano ito ng tindero at kinukunan na lamang ng larawan tsaka ipinapadala sa kanya. Ang resulta, araw-araw umano na mayroon silang utang bente pesos sa naturang ihaw-ihaw dahil kay Blu.

“‘Yan ang alaga naming si Blu. ‘Pag nakalabas ng bahay, diretso sa ihaw ihaw at mangungutang ng barbecue. Hindi aalis ‘pag di binigyan. Pipicturan ng nag-iihaw at isesend sa amin. Ayun, laging may utang na 20pesos na barbeque,” pagbabahagi pa ni Jimenez.

Maramig netizens naman ang natawa sa gawaing ito ng alaga ng netizen. Ani ng mga ito, mabuti na lamang daw ay hindi ganoon ang kanilang mga alaga dahil ‘pag nagkataon ay araw-araw din silang may babayaran sa tindahan.

Samantala, ang Facebook post na ito ni Jimenez ay agad naging viral at umani ng mahigit sa 50,000 lang naman na bilang ng mga reaksyon mula sa mga netizen. Karamihan sa mga ito ay natatawang reaksyon habang ang bilang naman ng mga shares ay nasa halos 50,000 na rin at patuloy pang dumarami.


Ayon kay Jimenez, sa nakalipas na dalawang tao ay araw-araw umano itong ginagawa ng kanyang alagang si Blu. Tuwing hapon ay nakasanayan na talaga nito ang magpunta sa ihaw-ihaw at mag-antay ng barbeque para sa kanya na binabayaran na lamang ng kanyang amo.


Dahil palagi din naman umanong binibigyan ng tindero kasi nga ay hindi naman umaalis doon si Blu hangga’t hindi ito nabibigyan ng barbecue, nasanay na umano ang alaga ni Jimenez kaya araw-araw ay ito ang ginagawa ni Blu.

Dagdag pagbabahagi pa ni Jimenez, maaaring natutunan umano ni Blu ang ganito sa kanyang misis dahil noon ay palagi itong sumasama rito upang bumili ng barbecue. Nang lumanon, ito na lamang ang kusang pumpunta doon kahit walang ibang kasama.

“Minsan po di napansin ng misis ko na sumama sa kanya na bumili ng barbeque, tapos binigyan niya, ayon hanggang sa natutunan na niya pumunta sa ihaw-ihaw

“Kaya ginagawa ng nag-iihaw, pi-picturan siya tapos i-sesend sa amin kasi ayaw umalis kaya sabi namin, sige ihawan niyo na lang at babayaran na lang namin, aba'y nasanay na po,” pagbabahagi pa ulit ni Jimenez.


Samantala, heto pa ang ilan sa mga nakakatawang reaksyon ng mga netizen tungkol sa asong si Blu:

“Tamang utang muna habang wala si amo. Hahahaha!”


“A simple happiness to a dog na hindi humihingi ng anumang kapalit but our love for them.”

“Ayos ka, doggie. Di ka magugutom n’yan. Hehehe.”

“Ang talino, nakakatuwa. Mas marunong nang mang utang sa tao… Atleast, hindi po siya nang-aagaw. Nakaupo lang. Nice dog!”

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment