Saturday, December 5, 2020

Kapamilya Aktor, Mayroon Nang Sapat na Ipon Kaya Pwede Nang Mag-Retire sa Edad na 35

Bilang isa sa pinakasikat na artista sa kanyang henerasyon at ilang taon din nitong pagtatrabaho, ayon sa ina ni Daniel Padilla na si Karla Estraa ay pwede na umanong magretiro sa pagtatrabaho ang anak sa edad na 35 dahil mayroon na itong sapat na ipon.

Ang tungkol dito ay inihayag ni Karla nang maging panauhin ito sa vlog ni Dra. Vicki Belo kamakailan lang. Dito ay inusisa ng celebrity dermatologist ang ‘Magandang Buhay’ host tungkol sa ipon ng anak nitong si Daniel.

“Meron na siyang savings niya na. He’s good. At 35, he’s good kahit di na siya magtrabaho hanggang apo niya. Nagtabi na tayo…,” pagbabahagi pa rito ni Karla.

Ayon kay Karla, ito lamang umano ang humahawak ng pera at kita ng anak ngunit, wala naman siyang parte mula dito dahil para rin naman umano sa kanilang lahat ang pinagkakagastusan ng pera ng anak.

“Wala naman. Ako lang naghahandle nang lahat ng pera niya… Eh, kasi kung ano man gastos namin, para din ‘yun sa lahat. So, importante may natabi sa kanya…,” ani pa nito.

Pagbabahagi pa rito ni Karla, hindi naman umano gaanong magastos o palahingi ang aktor sa kanya ng pera. Ngunit, mayroon daw mga pagkakataon na humihingi ito ng pera kay Karla na minsan ay ipinag-aalala nito.

Ayon kay Karla, isa raw sa malaking pinagkakagastusan ng anak ay ang pagbili ng sasakyan.

“Hindi naman siya palahingi. Hindi ‘yun humihingi ng pera  ng cash. Pero mag-alala ka kapag nag ‘Ma’ na ‘yan. Iba-ibang tono ‘yan eh. ‘Pag ‘Hi, Ma!’ naku, patay tayo diyan. ‘Oh Ma, may darating na sasakyan ha!’ 

“Hindi siya humihingi lagi ng pera pero kapag humingi siya, kumapit ka na sa pader,” natatawa pa nitong saad.

Ngunit, hindi sa lahat ng pagkakataon ay napagbibigyan niya umano si Daniel. Minsan ay humi-hindi rin naman umano ito sa hinihingi ng anak dahil lalo na sa edad nito ngayon ay marami itong nagugustuhan.

“I sometimes say ‘no’ kasi parang… ‘Anak, alamin mo muna kung magandang klase ba ‘yan.’ Binibigyan ko siya ng ano, kasi kapag nagsabi na yan ng, ‘Pare, ang ganda ng motor na ito.’ Alam mo na. 

“Kasi nasa blood din nila ‘yan eh. Mga pa-action star din kasi ang mga Padilla,” kwento pa uli ni Karla.


Ngunit, sa ngayon umano ay papaghawakin na ni Karla si Daniel ng sarili nitong pera. Ayon sa host, ito umano ay para matutunan din ng anak ang paghawak sa pera nito at nang matuto itong magdesisyon ng tama sa tuwing mayroon itong gustong bilhin.

Dahil si Karla pa nga ang humahawak ng pera ni Daniel, sa ngayon daw kasi ay madali pa para rito ang manghingi at gumastos ng pera. Saad pa nito,

“Ngayon, ang gagawin ko, siya na ang paghahawakin ko ng pera niya para maramdaman niya ang feeling na kapag nahawakan niya tapos kapag babawasan niya ng ganito kalaki.

“Mararamdaman niya ‘yung feeling na ‘Ah, sayang’. Di niya kasi hawak kaya easy for him to say na, ‘Oh Ma, bayaran mo ito. Oh Ma, may kukunin ako dito!’”

Source: INQUIRER

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment