Tuesday, December 22, 2020

Dating Miyembro ng EB Babe, Kinumpirma Umano ang Relasyon Nito kay Jose Manalo


Usap-usapan ngayon sa social media ang nangyaring sagutan ng dancer at dating miyembro ng EB Babe na si Mergene Maranan at ng isang netizen. Ito ay matapos na tanungin ng nasabing netizen si Maranan sa Instagram kung ito ba umano ang ‘kinakasama’ ngayon ng komedyanteng si Jose Manalo.

“Ikaw pala ‘yung bagong kinakasama ni Jose?” ang tanong pa rito ng isang netizen.

Bago ito ay minsan nang iniuugay ang dalawa sa isa’t-isa ngunit hindi kailanman kinumpirma ni Maranan o ni Manalo ang tungkol dito. Ngunit, base sa inihayag na sagot ni Maranan sa tanong na ito ng netizen, mukhang kinukumpirma umano nito ang matagal nang tanong sa relasyon nila ng komedyante.

Isang simpleng “So?” ang isinagot dito ni Maranan na agad namang binatikos ng netizen dahil sa animo’y pagiging ‘bastos’ nito at pagkakaroon ng hindi magandang ‘attitude’. Sagot pa nga rito ng naturang netizen,

“Ang ganda sana ng sasabihin ko tungkol sa’yo pero dahil d’yan, nag-iba pananaw ko. Pinatunayan mo lang, matatapang talaga ang mga ‘K’. Di naman ako basher, nagtatanong lang ako at dahil diyan, ipagpepray ko nalang ikaw! Sinagot mo ako ng pabastos, ok fine! Anong pakiramdam ng tinatago! Whahahahaha aray ko!

“Wag ganyan pa-attitude, gurl. Baka may madamay na iba! Igiling mo pa, gurl! Sunod ai Vic Sotto,” ang animo’y nang-aasar na rin na pahayag ng netizen kay Maranan.


Samantala, hindi naman nagpahuli si Maranan at agad na sinagot ang mga pahayag na ito tungkol sa kanya ng nasabing netizen. Dito ay nabanggit niya rin si Vic Sotto na una nang binaggit dito ng netizen. Ngunit, ang ikinagulat ng marami ay nang magbitaw ang dalawa ng mura para sa isa’t-isa.

“Wag kase makikialam ng buhay ng may buhay. Ayusin mo muna buhay mo, teh. Ano gusto mong sagot? Sino sa’tin ang may attitude?

“Pabasa ko to kay Bossing. Gusto mo sumikat? Nagpapasikat. Bakit ba kita nireplayan? P*kyu po. Ayan ha mabait ako ha,” sagot ulit dito ni Maranan.

Nagpatuloy pa ang sagutang ito ng dalawa kung saan, sa ibang bahagi ay nabangit pa ang iba umanong mga miyembro ng EB Babe na ngayon ay proud sa kanilang mga asawa. Dagdag pa nga rito ng netizen, hindi gaya ni Maranan ay hindi niya raw nabalitaan ang ibang miyembro ng grupo na nagmura.

Ani naman ni Maranan, wala lamang umanong magawa sa buhay nito ang netizen kaya siya ang binibwis1t nito ngayon. Bastusan na raw ang ginagawa nito na hindi na raw talaga nahiya.


Samanatala, si Manalo ay isa sa mga regular na host ng GMA noontime show na Eat Bulaga. Naibalita noon ang hiwalayan ni Manalo at ng kanyang asawa taong 2012 kung saan, kasabay din nito ay ang paghahain ng dating misis niya ng ilang mga reklamo tulad ng verbal at emotional abuse.


Ayon sa mga balita noon, ang problemang pinansyal ay isa rin sa mga dahilan kung bait naghiwalay noon si Manalo at ang misis nito. Maiban dito, mayroon ding isyu na umano’y nambababae rin ang komedyante.

Source: famoustrends

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment