Noon pa man ay bukas na ang komedyanteng si Vice Ganda sa pagbabahagi ng kwento kung paano pumanaw ang kanyang ama na binaril noong 1991 sa kanilang lugar sa Tondo, Manila.
Kaya naman, ang mapanood ang video ng krimeng ginawa ng pulis na si Jonel Nuezca, 46, sa mag-inang Gregorio ay napakalaki ng epekto para kay Vice. Ayon sa komedyante, nanumbalik ang trauma at alaala nito nang mapatay din ang ama ng isang tao mula sa kanilang lugar na hanggang ngayon ay hindi nahuli.
“Natulala ako matapos ko mapanuod ung video. Bumalik yung trauma ko. Bumalik lahat ng pilit ko ng ibinabaon na alaala. Ung putok ng baril. Ung itsura nung tatay ko na parang baboy na sinasakay sa jeep. Ung mukha ng demonyo. Ang bigat ng nararamdaman ko…,” pagbabahagi pa ni Vice.
Linggo, Disyembre 20 sa Paniqui, Tarlac nang walang pagdadalawang-isip na binaril ni Nuezca sa ulo ang mag-inang Sonya Gregorio, 52, at Frank Anthony Gregorio, 25, na agad binawian ng buhay sa harap mismo ng kanilang pamilya at sa liwanag ng sikat ng araw.
Hustisya ang sigaw ng mga tao at maparusahan si Gregorio mula sa malinaw na krimen na ginawa nito. Dahil nakunan ng video ang mga pangyayari, malinaw na nagkasala ang pulis kaya umaasa ang publiko na hindi na ito makakalusot pa sa krimen na kanyang ginawa.
Ito rin ang taimtim na hiling ni Vice dahil ani nito, ayaw niya na matulad sa naging karanasan nito ang mangyari sa pamilya Gregorio. Kahit na kilala sa kanilang lugar ang taong bumaril noon sa kanyang ama, hindi ito kailanman nahuli at hindi nabigyan ng hustisya ang pagkamatay noon ng tatay ni Vice.
“Sana’y wag silang magaya sa Tatay ko na di nabigyan ng hustisya. Sana’y wag silang magaya sa pamilya namin na namanhid na lng sa tagal ng paghihintay ng katarungan. Sana wala ng makaranas ng kasamaang ito,” ani pa ulit ni Vice.
Kagaya ng komedyante, inihayag din ng mga kilalang personalidad ang kanilang galit nang mapanood ang viral video footage ng pagpaslang sa mag-inang Gregorio. Hustisya para sa mag-inang biktima at parusa para sa pulis na animo’y walang anumang pagsisisi sa ginawa ang sigaw ng mga ito.
“BAKIT KAILANGANG UMABOT DOON? Hindi ko kaya, grabe, Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero pwede bang barilin ka nalang din sa harap ng anak mo? Sorry Lord pero sobra kasi yun eh.
“Sobra yung ginawa niya. Hustisya para sa mag-inang Gregorio. #STOPTHEKILLINGS,” ang pahayag pa nga ni Maine Mendoza.
Ang aktres naman na si Janella Salavador ay di napigilan na banggitin ang anak na babae ng suspek na pulis na makikitang sinasagot-sagot sa video si Sonya at ipinagduduldulan sa mga ito na pulis umano ang kanyang tatay. Ani pa tungkol dito ni Janella,
“How inhumane can you be to take actual human lives like that so confidently for your own selfish reasons— IN FRONT OF YOUR OWN CHILD— LIKE IT’S NORMAL? This is what it has come to in our country. Sick. My father is a policeman my ass. #StopTheKillingsPH”
Ang ilan pa sa mga artistang ito na naghayag din ng kanilang galit para kay Nuezca ay sina Iza Calzado, Judy Anne Santo, RK Bagatsing, Ogie Diaz, Agot Isidro, Bianca Gonzales, at iba pa.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment