Laman na naman ulit ng mga balita sina Gerald Anderson at Julia Barretto. Bagama’t hindi naman tuluyang tumigil ang publiko na pag-usapan ang dalawa dahil sa isyu na kinasangkutan ng mga ito noong nakaraang taon, mas nabuhay uli ngayon ang hinala na may relasyon sila dahil sa mga bagong ibinabato sa kanila ng publiko.
Dahil dito kaya hindi naiwasan na tanungin ang ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla tungkol sa naturang sitwasyon ng anak at ni Gerald. Sa isang panayam sa kanya kamakailan lang ng Abante, mayroong inihayag ang aktor tungkol kay Gerald.
Dito, mukhang mayroon umanong pagbabanta si Dennis na ayaw nitong makita kailan man o kahit saan si Gerald. Ani pa nito, hindi niya raw nagustuhan ang ginawang pang-iiwan dati ni Gerald sa dati nitong karelasyon na si Bea Alonzo.
Kung matatandaan, ang hiwalayan nilang ito nina Bea ang naging simula ng malaking kontrobersiya na kinasangkutan ng mga ito at ng anak ni Dennis na si Julia. Dito ay inakusahan ng publiko si Julia na siyang third party sa hiwalayan nina Gerald at Bea.
Sa panayam na ito kamakailan lang kay Dennis, naging seryoso umano ang aktor ng mapag-usapan sina Julia at Gerald. Gaya ng hindi nito nagustuhan ang ginawa ni Gerald kay Bea, hindi umano nito gusto na gawin din ito ni Gerald sa kanyang anak.
Bagama’t nasa tamang edad na ang anak, gusto lamang umano nitong protektahan si Julia bilang ama nito. Gayunpaman, wala raw alam si Dennis sa tunay na relasyon ni Julia kay Gerald at ayaw niya rin umanong tanungin tungkol dito ang anak.
Sa edad na 23, nasa tamang edad na si Julia kaya hinahayaan na umano ito ni Dennis na gumawa ng desisyon para sa personal nitong buhay.
Kung matatandaan, noong nakaraang taon ay nagbigay din ng pahayag si Dennis tungkol sa kontrobersiyang ito na kinasangkutan ni Julia. Sa isang panayam dito, inamin ng aktor na nakausap niya tungkol dito si Gerald.
“Actually, ako ang nagtext. Sabi ko, ‘Pwede mo ba akong tawagan? Si Dennis Padilla to.’ After mga 45 minutes, tumawag naman,” pagbabahagi pa rati ni Dennis.
Ayon kay Dennis, mayroon lang umano siyang mga bagay na kinlaro kay Gerald. Gayunpaman, hindi nito inihayag kung ano ang naging pag-uusap nila nga aktor.
Bagama’t isang taon na ang lumipas mula nang lumabas ang isyu na may kinalaman umano si Julia sa hiwalayan nina Gerald at Bea, hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng publiko sina Julia at Gerald dahil sa alegasyon na mayroon ngang relasyon ang mga ito.
Hindi kailanman inamin ng dalawa ang tungkol dito at ilang beses nang itinanggi ang naturang bagay. Ngunit, ang mga larawan at umano’y ebidensya na nakalap ng mga netizens ay nagpapatunay umano na mayroon ngang relasyon ang dalawa.
Sa katunayan, kamakailan lang ay iniuugnay na naman ang mga ito dahil sa pagpunta umano ni Julia sa resort ni Gerald sa Zambales kung saan, maging ang pamilya umano ni Julia ay nagpunta rin.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment