Thursday, December 10, 2020

Blogger, Inspirasyon Dahil sa Determinasyon Nito na Magtagumpay sa Negosyo


Hindi biro ang magtayo ng negosyo. Ngunit, mas mahirap ang patuloy na magpatakbo nito at magtagumpay. Kaya naman, hindi lahat ay mayrong determinasyon na sumubok pumasok sa isang negosyo dahil sa takot na baka hindi magtagumpay.

Ngunit, iba ang kilalang blogger na si ‘Papa Dee’ dahil sa kabila ng ilang ulit na hindi pagtatagumpay sa mga negosyong pinasok nito, hindi pa rin ito tumitigil na sumubok ng bago dahil hindi siya nawawalan ng pag-asa para sa kanyang pamilya. 

“Nakakapagod pero worth it. Ilang taon na ako sa business pero never ko pa din tinatamaan yung tagumpay na hinahanap ko. Ginagawa ko to para sa future ng pamilya ko. 

“Gusto kong pagtagumpayan tong paghihirap ko para hindi na magwork ang asawa ko para lage na lang kame magkakasama sa bahay. Kaya wala akong tigil na sumubok sa business,” pagbabahagi pa nito.

Sa pagkakataong ito, isang negosyo naman sa pagkain o food business ang pinasok ng blogger. Sa kanyang Facebook post, nagbahagi ito ng larawan ng mga pagkaing ibebenta nito kalakip na rin ang isang mensahe na inspirasyon para sa marami.

Dito, ibinahagi niya ang kanyang mga pinagdaanan sa negosyo kagaya na lamang ng kanyang mga pagkabigo. Ngunit, dahil sa kagustuhang magtagumpay at hindi danasin ng kanyang mga anak ang hirap na kayang naranasan, nagsisikap ito na maging matagumpay.


“Siguro ilang beses na din akong nalugi. May pagkakataon naman na nararamdaman ko na yung success ang kaso biglang nagkakaproblema. Minsan ok na yung food business sa work ng asawa ko kaso bigla naman sya mapapalipat ng work at kadalasan napapalipat din kame ng tirahan. 


“Kaya eto sumubok ulit ako at nagbabakasakali pa din makatalisod ng tagumpay. Ayaw kong danasin ng mga anak ko ang mga daan na nilakaran ko,” ani pa ulit ng blogger.

“Hindi basehan ang pagkabigo para sumuko. Ang tagumpay, lagi ‘yan naghihintay sa mga taong pursigido at determinado,” pagdidiin pa nito.

Bumilib naman ang marami dahil sa determinasyon na ito ng blogger. Ani ng mga ito, inspirason umano nila ito sa kanilang patuloy din na pagsubok at hindi pagsuko sa iba’t-ibang negosyo. Ang pagiging madiskarte umano nito sa negosyo at paghahangad ng mabuting buhay sa kanyang pamilya ay talagang nakakahanga at dapat na tularan.

Heto pa ang ilan sa mga ibinahaging komento ng mga netizen tungkol dito:



“Ito kailangan ko ngayon!!! Thank you, man! Goodluck sa mga tinatahak natin. Mahirap sobra pero dahil sa mga ganitong post eh nabubuhayan ako! Maraming salamat, man. Goodluck and God Bless.”

“Salute to you po... Madiskarte sa buhay at hindi sinasayang ang bawat oras para kumita.Tama po kayo, mas maganda talaga kung sama sama kayo ng pamilya mo.”

“Di talaga madali ang tagumpay! Ang importante, kahit mahirap, nausad ka pa-unti unti! Kesa naman lilipas lang ang oras na wala kang ginagawa.”


“Hindi mo talaga aakalaing may mga ganyan na lalaki. I salute you. Keep going and God will bless you.”

“Napakahusay. Ikaw ay inspirasyon sana sa mga taong tamad na ayaw magtrabaho at walang ibang gawain kung hindi humingi. Mabuhay ka, kaibigan!”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment