Pangarap ng magpinsang Dexer at Onyok na magkaroon ng sarili nilang bisikleta. Kaya naman, upang magkaroon ng pera pambili ng kanilang mga bike, nagsikap ang mga ito na magtrabaho sa isang construction site.
Ngunit, dahil menor de edad pa ang dalawa, hindi pa pinapayagan ang mga ito na regular na magtrabaho sa construction site. Gayunpaman, kahit paunti-unti ay masaya sina Dexter at Onyok dahil kahit papaano ay mayroon silang naiipon.
Matapos ang kanilang pagtatrabaho sa constructin site at ngayong papalapit na ang pasko, sa wakas ay nakapag-ipon din ang magpinsan ng halagang Php1,000. Para sa kanila, kahit second-hand na bisikleta o kahit isang biskleta lamang ang kanilang mabili ay ayos na sa kanila.
Ang mahalaga sa mga ito ay matupad ang kanilang pangarap na magkaroon ng bisikleta ngayong kapaskuhan.
Kaya naman, sa Facebook ay nagsimulang maghanap ang dalawa ng mabibiling bike sa halagang Php1,000. Saad pa nga ni Dexter sa kanyang Facebook post,
“Hello po. Ako po si Dexter, 16 [taong gulang] po ako, taga-Taytay, Rizal. Pangarap po ng pinsan ko at ako na magka-bike ngayong pasko. May naipon na po kami na Php1000 sa pagbubuhat ng bato sa construction…
“Palapag nalang po sa comments kung may bike po kayo na di na nagagamit, o pwede ibenta samin na Php1,000. Thank you, po!”
Ang Facebook post na ito ni Dexter ay napansin naman ni Manjit ‘Jet’ Reandi na naantig at natuwa sa magpinsan. Dito, bumilib si Jet sa ginawang pagsisikap ng dalawa para mabili ang kanilang pangarap na bisikleta.
Kaya naman, para mapasaya ang magpinsan ngayong pasko, sagot na ni Jet ang mga pangarap na bike nina Dexter at Onyok. Namangha umano ito na gustong pagsikapan ng magpinsan ang pambili ng kanilang mga bisikleta at hindi lamang basta-basta na manghingi.
Maliban dito, napag-alaman din ni Jet na bukod sa pagtatrabaho sa construction site ay namamasukan din umano bilang taga-hugas ng pinggan si Dexter sa isang panaderya o bakery. Mas bumilib pa siya sa mga ito kaya naman, dalawang bisikleta para sa magpinsan ang handog ni Jet kina Dexter at Onyok.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Jet ang tungkol sa pagkikita at pagbibigay niya ng bike sa magpinsan. Heto ang kanyang naging buong pahayag dito:
“Early Christmas Gift for these hardworking kids… This is Onyok and Dexter, 16 yrs old and 10 yrs old. Both work as a part time construction worker. Earlier today Dexter Pandis posted something that really caught my attention…
“I was amazed at an early age, napakasipag nila and both of them are studying. I liked the way he posted; hindi sya humihingi. He wanted to buy a bike from his savings from the construction. Dexter also works as a part time dishwasher in a bakery owned by a family who are helping them as well.
“When I saw Dexter's post with the comments (masipag talaga sya), I immediately asked my ever supportive cousin Andrew Generao to accompany me to buy 2 bikes for these well deserving kids, and there it is. Speechless din sila which is nakakatuwa kasi even the owner of the bakery was crying when they saw the 2 new bikes for these kids.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment