Friday, December 4, 2020

Face Masks na Nagkakahalaga ng Php500,000, Ibinebenta sa Japan

Sa halagang isang milyong yen (¥1,000,000) o nasa halos Php 500,000, ibinebenta ngayon sa bansang Japan ang dalawang kakaibang face masks na ito na gawa sa mga mamahaling bato.

Di gaya ng mga ordinaryong face mask, tadtad ng mga diyamente at perlas ang mga mamahaling face masks na ito na gawa at ibinibenta ng kompanyang Cox Co. Handmade din ang dalawang face masks kaya napakamahal ng presyo ng mga ito.

Sa dalawang face mask, isa sa mga ito ay gawa sa mahigit 300 piraso lang naman ng Swarovski crystals. Maliban dito ay mayroon din itong nakalagay na .07 carat ng dyamante.

Ang ikalawang face mask naman ay gawa sa mga mamahaling pearl o perlas. Ayon sa ulat, ang nasabing face mask ay mayroong nakalagay na mahigit 300 din na bilang ng Japanese Akoya Pearls. 

Ngunit, sa kabila ng pagiging elegante at mamahalin ng mga ito, wala pa umanong naglalakas loob na bilhin ang naturang mga face mask. Ayon sa isang mamimili, bagama’t maganda at nakakamangha ang mga ito ay masyado raw nakakalula ang presyo ng nasabing mga face masks.

“I am concerned about the price… It’s a little bit expensive and it’s concerning. So, I cannot buy it easily,” saad pa nito.

Dagdag pa ng isang mamimili, bukod sa presyo ay nangangailangan din daw ng eleganteng damit ang naturang face mask kapag isinuot o ginamit na ng isang tao. Kaya naman, mayroong pag-aalinlangan ang karamihan sa mga taga-Japan na bumili ng isa sa mga face masks.

“If I wear one of these face masks, I have to wear suitable fashion to match it. So, I think it’s a bit embarrassing to dress up,” ani pa nga nito.


Ayon naman sa isang empleyado ng kompanyang nagbebenta ng naturang mga face masks na si Azusa Kajitaka, bagama’t wala pa raw bumbibili nito ay marami naman daw silang natatanggap na magagandang papuri para sa kanilang mga face masks.

Saad pa nga ni Ajitaki, ang mahalaga raw ay nakakapagpasaya at nakakapagbigay sila ng pag-asa at inspirasyon sa mga nakakakita ng mga face mask lalo na sa fashion industry na labis ding naapektuhan ng pandemya.

“Although no one has bought them (one million yen masks) yet, we have had customers reacting and saying such things as ‘beautiful’ or ‘amazing’. So, we hope these [masks] can cheer up those who see it,” saad pa nga nito.

Sa kabila ng napakamahal na presyo ng mga face masks na ito sa Japan, hindi pa rin nito nalampasan ang presyo ng itinuturing na pinakamahal na face mask sa buong mundo na gawa ng isang Israeli Jeweller.

Ang itinuturing na World’s Most Expensive mask ay nilagyan lang naman ng 250 grams ng 18 carat na ginto. Ayon sa ulat, ang presyo nito ay nasa $1.5 million o nakakalulang Php 72 milyon lang naman. 

Sa social media, hindi naman makapaniwala ang marami na mayroong mga tao na kayang magsuot ng ganito kamahal na mga face masks. Bukod sa materyales ng mga ito, hindi nila lubos maisip ang presyo ng naturang mga face masks.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment