Friday, December 4, 2020

It’s Showtime Hosts, Pinaparinggan nga ba ang Lumipat Nilang Direktor na si Bobet Vidanes?

Kagaya ng maraming mga tagasuporta at tagapanood ng noontime show na ‘It’s Showtime’ ay mukhang hindi rin makapaniwala ang mga host ng naturang programa sa paglipat ng kanilang direktor sa loob ng 11 taon na si Direk Bobet Vidanes.

Ang isyu ng paglipat na ito ni Vidanes sa Brightlight Porductions sa TV5 ay kinumpirma ni Cristy Fermin na siya namang ikinagulat at ikinalungkot ng marami.

Sa loob ng maraming taon, saksi ang mga tagapanood ng programa sa samahan na nabuo ng mga host pati na rin ng kanilang direktor na si Vidanes. Ilang beses inihayag ng mga ito na mananatili sila sa programa at ang tatag ng samahan na mayroon sila.

Kaya naman, hindi halos makapaniwala ang publiko sa desisyong ito ni Vidanes. Ayon sa ilang ulat, hindi umano nagpaalam ang direktor sa mga host ng programa upang maiwasan na pigilan siya ng mga ito.

Sa kabila ng mga balitang ito ng paglipat nga ni Vidanes, hanggang nagyon ay wala pa itong pahayag na inilalabas.

Sa kabilang banda, mukhang patungkol naman kay Vidanes ang minsang pinag-usapan ng mga host ng ‘It’s Showtime’ sa isa sa mga segment ng programa. Sa isa sa mga artikulo na inilabas ng Abante Entertainment, mukhang ang direktor umano ang pinaparinggan ng mga host sa naturang usapan nila.

Ang maiksing usapan ay nangyari sa segment na ‘Hide and Sing’ ng programa kung saan, mayroong tatlong singer na pagpipilian ang cotestant at huhulaan nito kung sino sa tatlo ang celebrity singer.

Habang pumipili, mayroong sinabi si Vhong Navarro kay Ryan Bang. Ani nito sa huli,

“Si Ryan di dapat lumipat e. Kasi si Vice at Ion, number 2 na talaga. May lumipat, dapat hindi lumilipat ‘yun. Dun ka mag-stick sa 3.”

Ngunit, makahulugan ang naging sagot dito ni Ryan Bang kaya mistulang nabuksan ang usapan tungkol sa paglipat ng direktor.

“Basta hindi ako lumilipat ng channel,” ani pa nga rito ni Ryan Bang.

Dahil sa sinabing ito ni Ryan ay sinubukan naman ni Amy Perez, o Tyang Amy, na ibahin ang usapan. Ani pa nito, ang segment lamang umano ang pinag-uusapan nila. Mabilis pang saad ni Tyang Amy,

“Ang pinag-uusapan lang tago-kanta!”

Ngunit, agad din na sumabat sa usapan ang host na si Vice Ganda.  Ani naman dito ni Vice

“Sobra kang magsalita ah. Direk oh!”

Nasunduan pa ito ng isa pang makahulugang pahayag mula sa isa pang host na si Jugs Jugueta. Ang tinutukoy naman dito ni Jugs ay ang ‘loyalty’ raw dapat ng direktor gaya nilang mga host ng programa.

“Sabi mo loyal ka, ba’t ka lumipat? Sabi mo loyal tayong lahat. Loyal kami ni Kuys Vhong, loyal kami ni Vice,” saad pa ni Jugs.

Reaksyon naman ni Tyang Amy para sa mga pahayag na ito ng kapwa mga host, “May sama ng loob?” Sinagot din ito ng host ni Karylle na kaya lamang ito napag-usapan dahil nahukay ang paksa.

Hanggang ngayon, sa kabila ng umano’y parinig na ito ng mga host ay wala pa ring pahayag o reaksyon na inilalabas si Bobet Vidanes.

Source: showbizflash


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment