Sunday, December 6, 2020

Ginang, Nakatanggap ng Benefit Payment Notice Mula PhilHealth Kahit Hindi Siya Naospital


Isang miyembro ng PhilHealth ang umano’y nakatanggap ng Benefit Payment Notice mula rito na kanya namang ipinagtaka dahil hindi naman umano siya naospital o na-admit sa kahit anumang dahilan sa ospital.

Sa naturang notice, nakasaad na sa pangalan ni Ginang Nenita Gabato ay nagbayad umano ang PhilHealth ng kabuuang halaga na Php 18,000 noong nakaraang taon. Nakasaad sa nasabing notice na Php 9,600 nito ay napunta sa hospital charges at Php 8,400 naman ang napunta sa professional fee.

Ngunit, ang ipinagtataka ni Nenita ay hindi naman umano ito naospital noong nakaraang taon. Maliban na lamang umano sa pagpapabunot ng ngipin, wala na siyang alam kung bakit nagbagayad ng ganitong halaga ang PhilHealth sa kanyang pangalan.

Kaya naman, upang maliwanagan at malaman kung ano ang kanilang dapat na gawin ay dumulog sa media ang apo ng Ginang na si Cherry Ann Gabriel. Tinatanong nito kung paano ito nangyari at kung magagamit pa ba nila ang kanilang benepisyo sa PhilHealth sa kabila nito.

Dahil naman dito kaya idinulog sa PhilHealth ang kanyang sitwasyon kung saan, sinagot ng tagapagsalita ng PhilHealth na si Rey Baleña ang mga katanungan ni Cherry Ann. pagpapaliwanag pa nito tungkol sa benefit payment notice,

“Iyong benefit payment notice ay napakahalaga sapagkat ito ‘yung pamamaraan ng PhilHealth para mai-report sa member ‘yung detalye ng kanyang naging benefit availment. At ini-empower niyan ‘yung miyembro para malaman kung tama ba ‘yung naging benefit na na-avail niya through PhilHealth.”


Ayon sa tanggapan, dahil sa sitwasyong ito ni Nenita ay pinapaimbestigahan na nila ang nangyari. Inaalam na rin nila kung saan umano ang nangyari pagkakamali kaya mayroong naipadala na benefit payment notice sa naturang miyembro.

“Sa kaso ni Ma’am Nenita, lumalabas na batay sa kanyang salaysay ay wala naman siyang naging availment noong nakaraang taon maliban sa pagpapabunot lang ng ngipin. Kaya ang bagay na ito ay amin na pong ini-imbestigahan…

“Inaalam natin kung ito ba ay pananagutan ng pasilidad at siyempre, dun sa pasilidad ay mayroong mga tauhan dun na nagpoproseso,” ani pa ng tagapagsalita ng PhilHealth.

Tungkol naman sa pag-aalala at tanong ni Cherry Ann kung patuloy pa rin na makakatanggap ng benepisyo si Nenita mula sa PhilHealth sakaling kailanganin niya ito, ayon sa tanggapan ay wala umanong magiging problema dahil magagamit pa rin ito ng miyembro.

“Wag siyang mag-aalala sapagkat sakaling ngayon, kailanganin niya na gumamit ng kanyang PhilHealth benefit, halimbawa… magpapagamot si aleng Nenita, magpapa-confine, magpapa-admit, ay entitled, magagamit niya po ang kanyang PhilHealth benefit,” ani pa ulit tungkol dito.

Samantala, pinapayuhan naman ang mga miyembro ng ahensya na huwag ipagsawalang bahala ang anumang iregularidad o pagkakamali na kanilang nararanasan sa PhilHealth at idulog ito agad sa tanggapan upang agad na maagapan o masolusyonan.

Samantala, humaharap ngayon ang mga opisyal ng PhilHealth sa mga alegasyon ng pagnanakaw at pagwawaldas ng mga ito ng Php 15 billion mula sa tanggapan. Dahil dito kaya nanghihingi ngayon ng hustisya at kasagutan ang mga miyembro ng PhilHealth at maparusahan ang mga may kasalanan.


Panoorin ang buong kwento dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment