Sunday, December 6, 2020

Kapatid ni Lloyd Cadena, May Pasaring nga ba sa BNT?


Animo’y mayroong namumuong tensyon sa pagitan ng kapatid ng yumaong vlogger na si Lloyd Cadena at sa grupong BNT (Bakla ng Taon) na malapit sa vlogger.

Ito ay matapos na sagutin ni Suzette ang ilang katanungan ng mga netizen tungkol sa ugnayan ni Lloyd sa grupo. Sa social media, isang tanong ang nakaabot kay Suzette kung saan, tinatanong kung mayroon ba umanong parte ang vlogger sa kita ng BNT.

“May percentage ba na nakukuha si KLC sa kita ng BNT Prod? If yes, tuloy-tuloy bang nakakatanggap si Mother Kween from this?” ani pa sa naturang tanong.

Diretsahan naman na sinagot ni Suzette ang tungkol dito at agad na itinangging mayroong natatanggap na parte ang kapatid. Dagdag ani pa nito, si Lloyd pa nga raw umano ang nagbibigay sa mga ito ng talent fee.

Ngunit, animo’y mayroong kalakip na patutsada ang sagot na ito ni Suzette para sa BNT. Ayon kasi dito, kahit nga raw bulaklak ay hindi sila nakapagbigay sa pumanaw na vlogger.

“Wala. Sa katunayan, si Lloyd pa ang nagbibigay sa kanila kahit may sari-sarili na silang kita. Pag birthday, meron silang 5k and may TF sila sa mga appearance sa vlog ni Lloyd.


“Ni bulaklak nga di sila nagbigay kay Lloyd hahaha! Just saying,” saad pa nito.

Dagdag ani pa nito, tinulungan umano ng kapatid ang grupo upang bumuti at umasenso sila sa buhay at hindi umano para hingan ng konsomisyon o gawing pagkakitaan. Si Lloyd umano ay hindi ganyang klaseng tao na nanghihingi ng parte.


“Hindi si Lloyd ang klase ng tao na manghihingi ng commission or something. Kaya sila tinulungan para umasenso, hindi para pagkakitaan,” dagdag saad pa nito.

Sa mga sumunod na pahayag ni Suzette, mukhang nagiging malinaw na mayroon nga itong hugot para sa grupo na naging malapit sa kapatid. Ayon dito, tingin umano nila ay nagagamit lamang umano ng grupo ang pangalan ng kapatid kaya hiniling nila sa mga ito na huwag nang banggitin sa mga vlogs ng BNT ang pangalan ni Lloyd.

Diretsahan pa ngang saad ni Suzette, kahit noong nabubuhay pa umano ang kapatid ay hindi umano ito binigyan ng halaga ng BNT. Minabuti nito hindi na idetalye ang kanyang ibig sabihin ngunit, idiniin nito na malalim ang kanyang pinanghuhugutan.

“Kami ang nagsabi sa kanila na tigilan na ang pagmention sa name ni Lloyd sa vlogs nila. Dahil ang totoo niyan, parang nagagamit lang si Lloyd para kumuha ng simpatya sa mga tao. 


“But in real life, hindi naman talaga nila binigyan halaga si Lloyd nung nabubuhay pa. I don’t want to go into details pa basta malalim ang pinaghuhugutan ko,” ani pa nga ni Suzette.

Umani naman ng iba’t-ibang reaksyon ang mga pahayag na ito ni Suzette para sa grupo. Bagama’t mayroong iilan na sumang-ayon sa mga sinabi ni Suzette patungkol sa grupo, mayroon namang iba na ipinagtanggol ang BNT laban sa mga sinabi nito sa kanila.


Ani ng mga ito, kung nababanggit man umano ang pangalan ni Lloyd ng BNT, ito ay dahil sa malaking bahagi ng vlogger sa buhay ng mga miyembro ng grupo. Ani pa nga ng ilan, kung nabubuhay pa umano si Lloyd ay siguradong hindi umano ito ang gusto niyang naririnig o nangyayari.


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment