Friday, December 4, 2020

Lalaki, Idineklarang P4tay Ngunit Nagising Nang Dalhin sa Morgue


Sa Kenya, Souh Africa, isang 32 taong gulang na lalaki ang idineklarang patay na sa ospital ngunit, nagulat ang lahat nang magising ito sa morgue habang sisimulan na sana ang pag-eembalsamo rito.

Noong nakaraang ika-24 ng Nobyembre, nawalan ng malay sa kanyang tahanan si Peter Kigen kaya ito isinugod sa ospital. Ayon sa kamag-anak nito, dumaranas daw ng ‘stomach ailment’ si Kigen kaya marahil ito hinimatay at isinugod sa Kapkatet hospital.

“Kigen had been suffering from a stomach ailment which forced us to rush him to hospital,” saad pa ng tiyuhin nito.

Ayon naman sa nakababatang kapatid ng pasyente na si Kevin Kipkurui, mayroon daw doktor na tumingin sa kanyang kapatid habang abala naman siya sa pagbibigay ng detalye o parerehistro sa nangyari rito sa ospital.

Ngunit, nang balikan niya ang si Kigen ay idineklara ng doktor na pumanaw na raw ang kanyang kapatid. Matapos nitong kompletuhin ang mga dokumento ng kapatid ay mayron na lamang nars na lumapit dito at sinabing pumanaw na si Kigen.

Dahil dito kaya dinala na raw si Kigen sa morgue ng ospital upang isagawa ang pag-eembalsamo sa katawan nito.

“The nurse later handed me a document to take to the mortuary attendant before my brother’s body was moved to the morgue,” saad pa nga ni Kipkurui.


Matapos ang apat na oras, sinimulan na proseso ng pag-eembalsamo sa katawan ni Kigen. Ngunit, habang hinihiwa ang kanang binti ni Kigen para lagyan ng formalin, nagulat na lamang ang gumagawa ng proseso dahil sa biglang pagsigaw ni Kigen dahil sa sakit.

Bigla itong nagising dahil daw sa sakit matapos ang paghiwa sa kabilang binti nito ng nag-eembalsamo na siya namang ikinagulat ng mga tao sa morgue dahil sa biglaan at muling pagkabuhay daw ni Kigen.

Gayunpaman, agad din na nilapatan ng lunas si Kigen nang malaman ng ospital an buhay nga ito at hindi namatay. Ngunit, labis na ikinadismaya ng pamilya ng pasyente ang malakig kapabayaan umano ng ospital kay Kigen.

Hindi din makapaniwala si Kigen na idineklara siyang patay ng ospital ata gaad na ipinadala sa morgue. Bagama’t sa kasalukuyan ay nagpapagaling na ito, ang kanyang pamilya ay hindi pa rin maintindihan kung paano nagawa ng ospital na ipadala sa morgue ang isnag buhay na tao. Humihingi ngayon ng hustisya ang mga ito sa nangyari.

Sa kabila ng mga ito, nagpapasalamat pa rin si Kigen na nagising ito at itinuturing niya na ngayong ikalawang buhay ang mayroon siya.

“I cannot believe what just happened. How did they establish that I was dead? I did not even know where I was when I regained consciousness, but I thank God for sparing my life…


“I will serve Him for the rest of my life,” ani pa nga ni Kigen.

Samantala, iginiit naman ng ospital na ang mga kamag-anak umano mismo ni Kigen ang unang nagdeklara na patay na ang pasyente. Ang mga ito rin umano ang nagdala rito sa morgue at hindi na hinintay pa ang death certificate ni Kigen bago ito dalhin doon.

Source: INQUIRER


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment