Sunday, December 6, 2020

Mababang Separation Fee ng Isang Lalaki, Umani ng Iba’t-ibang Reaksyon sa mga Netizen


Matapos ang umano’y dalawang taong pagtatrabaho ng netizen na ito sa isang agency, Php172 pesos lamang umano ang natanggap niyang separation feel mula rito.

Kaya naman, sa isang Facebook post, idinulog ng netizen na si Amir Jhon Tingdioco ang napakababang separation fee na ito na natanggap niya umano mula sa pinagtrabahuang agency. Sa kanyang Facebook post, makikitang naka-cheque pa ang naturang halaga ng pera.

Pagbabahagi pa ng netizen, dati na umanong napa-Tulfo o naireklamo sa programa ni Raffy Tulfo ang naturang agency ngunit, dahil sa ginawa ng mga ito sa kanya ay nais niya raw na makatanggap ulit ng paliwanag mula sa mga ito sa programa ulit ni Tulfo.

“Asan hustisya sa ganitong agency? For more than 2 years of being employee niyo ito ‘yung separation fee o backpay ko 172 pesos?

“Last time, balita ko napa-Tulfo kayo then nagbigay kayo ng backpay sa mga nagresign last year. Ngayon ganito, ano to “Pasensya na, God Bless”.

“May separation fee pang nalalaman, 172 pesos lang naman pala. Sana binigay niyo nalang sa akin ng barya baka ma-appreciate ko pa. Laking tulong nito sa pamilya ko,” saad pa nito sa natura niyang Facebook post.

Dahil dito kaya agad din na naging viral ang Facebook post ni Tingdioco kung saan, maraming mga netizen ang ikinagulat din kung gaano raw kababa ang naturang separation fee. Biro pa nga ng mga ito, sa liitng halaga ay sana raw inabot nalang ng agency ang pera sa netizen imbes na naka-cheque pa ito.


Ayon kay Tingdioco, nais niya raw na maipaabot kay Tulfo ang nangyari sa kanya at nang matulungan umano siya nito. Saad pa nito, nais niya raw pagpaliwanagin ang agency kung bakit ganun lamang ang natanggap niyang separation fee sa kabila ng mahigit dalawang taon na pagiging empleyado niya rito.

“Humihingi po ako ng tulong sa Raffy Tulfo in Action na sana matulongan niyo po ako. Alam kong di lang ako ang nakakaranas ng ganito sa agency na ito. Naway bigyan niyo po ako ng pagkakataon na maipaliwanag nila sa akin ng maayos bakit ganito ang ginagawa nila sa mga naging empleyado nila,” saad pa ni Tingdioco.

Sa viral Facebook post, kanya-kanya na ring labas ng kanilang reaksyon ang mga netizen kaugnay ng nangyaring ito kay Tingdioco. Dito, marami ang nakakarelate din umano sa kanya dahil sa liit lang din umano ng natanggap nilang separation fee.

Samantala, mayroon namang iba na nagsasabing buti nga ra ito ay nakatanggap pa ng separation fee. Marami rito ang nagsaad na hindi man lang umano sila nakatanggap ng anumang halaga ng separation fee kaya mas maswerte pa rin umano ito kaysa kanila.

Heto ang ilan pa sa mga ibinahaging reaksyon dito ng mga netizen:

“Grabe namang agency ‘yan. Halos dugo’t pawis ang puhunan sa trabaho tapos ganyan lang ang ibibigay!”


“Buti ka pa nga may Php172 samantalang nung ako, di man lang binigay sa’kin backpay ko. Haha. Donation na lang sa kanila, hiyang-hiya!”

“Sorry sa reaksyon ko. Sadyang natawa ako kasi cheque pa talaga ah. Di na lang inabot na personal. Parang nang-insult pa sila.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment