Wednesday, December 23, 2020

Jimuel Pacquiao, Bagong Girlfriend Nga Ba ang Young Actress na Ito ng Star Magic?


Usap-usapan ngayon sa mga netizen ang mga larawang ito na ibinahagi ni Jimuel Pacquiao at Star Magic artist na si Arabella del Rosario sa Twitter nito lamang Lunes, ika-21 ng Disyembre kung saan, kitang magkasama ang dalawa.

Base sa mga larawang ito na kanilang ibinahagi, isang bagong relasyon umano sa pagitan nilang dalawa ang nabubuo na ikinatuwa naman ng mga netizen.

Sa Twitter, dalawang larawan ni Arabella ang ibinahagi ni Jimuel kung saan, caption pa nito ay “hi @arabelladelro.” Samantala, kaparehong pagbati din para kay Jimuel ang isinaad ni Arabella sa kanyang caption nang magbahagi naman ito ng makahulugang larawan nilang dalawa. 

Sa naturang mga larawan, makikitang nakasakay sa kotse ni Jimuel ang dalawa at hawak ng huli ang kamay ni Arabella. Makikita pa nga sa isa sa dalawang larawan na ito ang pagbibigay halik ni Jimuel sa kamay ng kapwa niya Star Magic artist.

Bagama’t para sa mga netizen ay sapat na ang naturang mga larawan para sabihing mayroon ngang relasyon ang dalawa, hindi ito diretsahang kinumpirma nina Jimuel at Arabella. Parehong 19 taong gulang ang edad ng mga ito ngunit, walang nakakaalam kung saan at paano nagkakilala ang dalawa.

Gaya ni Jimuel, maituturing din na baguhan si Arabella sa showbiz kung saan, noong 2019 ay inilarawan nito ang sarili sa kanyang Star Magic profile bilang isang “simple girl but with a lot of dreams and goals in life, which I will definitely achieve. Claiming it!”


Pumasok umano ito sa showbiz dahil malaya naman umano itong mangarap. Ani pa nito,

“One, a girl can dream. Two, why not diba? Three, you will never know until you try and find out.”

Bago pa man pumasok sa showbiz si Arabella ay isa rin itong figure skater at nag-iisang anak lamang ng kanyang mga magulang habang si Jimuel naman ay napabilang sa Star Magic nito lamang ding buwan ng Marso.

Samantala, bago ang larawan ni Arabella na ibinahagi ni Jimuel nitong Lunes, ilang araw bago ito ay ni-retweet nito ang mga larawan ng young artist kung saan, ani pa nga rito ni Arabella ay “grabe naman rinitweet ng crush ko yung isang tweet ko.” Kaya naman, dito palang ay nagkaroon na ng spekulasyon ang mga tao na mayroong namamagitan kina Arabella at Jimuel.


Huling nakarelasyon ni Jimuel Pacquiao ang aktres na si Heaven Peralejo kung saan, inamin nila ang kanilang relasyon noong buwan ng Marso ng nakaraang taon. Ngunit, ilang buwan lamang ang lumipas ay napabalita ang kanilang hiwalayan.

Hindi naging maganda ang hiwalayang ito ng dalawa dahil kahit iginiit ng mga ito na maayos at magkaibigan sina Jimuel at Heaven, hindi tinantanan ng intriga si Heaven kung saan, nagkaroon pa ng kontrobersiya tungkol umano sa paghingi nito ng pera sa pamilya Pacquiao.

Itinanggi ng mga ito ang tungkol dito at mismong ang mga magulang ni Jimuel na sina Jinkee at Senator Manny Pacquiao ay itinanggi rin ang paratang. Gayunpaman, ibinahagi noon ni Heaven na labis siyang naaapektuhan sa isyu ngunit nagpapasalamat siya sa pamilya ni Jimuel na tumulong sa kanyang linawin sa publiko ang isyu.

Source: latestchika                                                                                                                                  


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment