Wednesday, December 23, 2020

Mga Preso, Kinantahan ng “I Don’t Care” si Nuezca Habang Hinihintay Ito sa Kulungan


Maliban sa video footage ng brutal na krimeng pagpatay ni police senior master sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Gregorio sa Tarlac, viral din ngayon sa social media ang isa pang video kung saan, mapapanood naman ang mga preso na kumakanta ng kpop song na “I Don’t Care’ habang hinihintay sa loob ng kulungan si Nuezca.

Sa kasamaang palad, ang mga lyrics ng kpop hit song na ito ng grupong 2ne1 ang mga huling salitang binitawan ng biktimang si Sonya Gregorio habang yakap-yakap ang anak na si Frank Anthony Gregorio bago pagbabarilin ang mga ito ni Nuezca.

Sa video ng krimen, makikita na kasama ng pulis ang ‘maldita’ nitong anak na sinisigawan si Sonya. Dito ay ipinagduldulan niya na ang kanyang ama ay isang pulis kaya dapat itong tumahimik.

“Shut up! My father is a policeman,” sigaw pa ng anak na babae ng pulis kay Sonya.

Bilang ganti naman sa mga pahayag na ito ng bata, kinanta ni Sonya ang kpop song sa harap ng mag-ama at sinabing “I don’t care eh eh eh eh err”. Ngunit, ito na ang naging huling salita ni Sonya dahil pagkatapos nito ay walang pagdadalawang-isip na pinaputukan ni Nuezca ang kanilang mga ulo.

Kaya naman, viral din ang kantang ito ng 2ne1 matapos ang brutal at nakakagalit na krimeng ito ni Nuezca na kumitil sa buhay ng mag-inang Gregorio sa harap mismo ng pamilya nito at sa anak ng suspek na hindi rin nakaligtas sa panggagalaiti ng publiko dahil sa masama nitong ugali sa murang edad.


“Waiting na sila sayo,” ang ani pa nga ng nagbahagi ng video ng mga preso na kumakanta ng ‘I Don’t Care’.


Ang videong ito ng mga kumakantang preso ay umani na ng mahigit sa dalawang milyong views mula nang ito ay ibahagi sa social media. Samantala, hindi naman malinaw kung saang kulungan kinunan ang naturang video.

Ang dating kanta na naging hit song sa maraming Pinoy ay nabahiran na ngayon ng lungkot dahil sa tuwing maririnig ang naturang kanta ay maaalala ng sinuman ang krimen na ginawa ni Nuezca sa mag-inang walang kalaban-laban.

Simpleng pagpapaputok ng boga lamang umano ang naging dahilan ng pagsugod ng suspek sa bahay ng mga biktima upang agad daw arestuhin ang mga ito. Ngunit, maliban dito ay mayroon na palang dating alitan ang mga ito tungkol sa usapin sa lupa.

Nasa kustodiya na ng kapulisan si Nuezca matapos sumuko sa mga kapulisan. Nakatakdang isampa rito ang double murder para sa malinaw na krimeng kanyang ginawa. Ngunit, bago ang krimeng ito ni Nuezca ay mayroon na umano itong dating mga kaso ng pagpatay ngunit, nadidismiss lamang dahil daw sa kawalan ng ebidensya.

Kaya naman, ayon sa mga netizen, hindi malayo na hindi ito ang unang pagpatay na ginawa ni Nuezca sa isang tao. Ang video na nakunan ay isang malaki at malinaw na ebidensya nito kaya kapag hindi rin umano umusad ang parusa kay Nuezca para rito, isang kahihiyan para sa bansa na hindi nito mabigyang hustisya ang brutal na krimen ng naturang pulis.


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment