Matapos ang brutal na krimen ng pamamaril at pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Tarlac, hindi maganda ang imahe ngayon ng kapulisan sa publiko at naging tumpulan ngayon ang mga ito ng pambabatikos.
Ngunit, sa kabila nito ay isang pulis ang nagpamalas kamakailan lang na kabutihan at pinatunayan na hindi lahat ng pulis ay kagaya ng suspek na si Jonel Nuezca.
Viral ngayon sa social media ang ginawang kabayanihan ni Patrolman Rey Mandayeg, isang Tourist Police sa Lingayen Baywalk sa Lingayen, Pangasinan matapos nitong sagipin ang dalawang babae mula sa pagkalunod sa naturang lugar.
Ayon sa mgga ulat, kasagsagan ng duty at pagpapatrolya ni Mandayeg sa Lingayen Baywalk nang makarinig ito ng mga sigaw na humihingi ng tulong sa di kalayuan. Ang pinagmulan pala ng mga sigaw na ito ay ang mga tao na walang magawa habang mayroong dalawang babae na nalulunod habang inaanod ng malakas na agos ng tubig sa may baywalk.
Kaya naman, agad na pinuntahan ni Mandayeg ang lugar at walang pagdadalawang-isip na sinuong ang tubig at sinagip ang dalawang babaeng nalulunod. Suot ang kanyang uniporme, walang pag-aalinlangan na nilangoy ni Mandayeg ang katubigan at ibinuwis ang buhay para sagipin ang dalawa.
Dahil sa ginawa at kabayanihang ito ng pulis na si Madayeg ay nasagip o naisalba ang buhay ng dalawang babae mula sa peligro. Kaya naman, sa kabila ng hindi magagandang naririnig ngayon tungkol sa mga kapulisan, nakatanggap ng pasasalamat mula sa publiko si Mandayeg.
Ayon sa mga ito, bagama’t nabahiran na ng hindi magandang reputasyon ang propesyon ng mga pulis, si Mandayeg umano ang halimbawa na hindi lahat ng pulis ay katulad ni Nuezca dahil kagaya ni Mandayeg ay mayroon pa ring mga pulis na tapat sa serbisyo at mas inuuna ang kapakanan ng mga mamamayan.
Kaya naman, saludo kay Mandayeg ang karamihan lalo na ang mga nakasaksi sa ginawa nitong kabayanihan. Ani ng mga ito, si Madayeg umano ang rumerepresenta sa hanay ng mga kapulisan na salungat sa uri ng mga pulis na kinabibilangan ni Nuezca.
Kahit na malawak ang pagkondena ngayon sa bansa sa mga kapulisan, mayroon pa rin namang ilan na naniniwalang hindi lahat ng pulis ay kagaya ni Nuezca na walang pagpapahalaga sa buhay ng tao at sa tunay na dignidad nito bilang isang pulis.
Heto nga ang ilan sa mga komentong ibinahagi ng mga netizen tungkol sa kabayanihan ni Mandayeg:
“Pakiangat ang inyong hanay sir!! TO SERVE AND PROTECT is the best line to throw on you!! Kaya malaki parin respeto namin sa ibang mga pulis kasi they know their work!”
“Mayroong dalawang klase ng pulis; isa dito ang tutulong sa natatakot na civilian na walang boses at isa naman ang kinakatakutan ng civilian dahil ginagamit ang position. Hindi lahat pero maraming ganito.”
“Ito ang dapat na ipagmalaki sa lipunan at dapat tularan ng lahat ng mga pulis… He serves and he protects!”
“The mistake of one doesn't define the organization as a whole. Label the person, not the organization…”
“Ganyang pulis dapat ang dumami sa kapulisan. May puso, makatao, may konsensya, at higit sa lahat, malawak ang pagiisip. Hindi sira ulo and barombado and mayabang!!!! Sir, saludo ako sayo.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment