Tuesday, December 8, 2020

Julia B. at Gerald, May Matamis na Sagutan sa Kanilang Instagram; Alamin!


Mapapanood na ngayon sa content streming service na Netflix ang pelikulang pinagsamahan at pinagbidahan nina Julia Barretto at Gerald Anderson na ‘Between Maybes’ noong 2019. 

Kaya naman, sa isang Instagram story ay nagbahagi ang aktres ng poster ng naturang movie nitong December 2. Nakasaad din dito ang isang maikling mensahe na ‘Tara?’ para sa katambal niya sa pelikula na si Gerald.

Bilang sagot, ibinahagi rin ni Gerald ang naturang IG story ng aktres at pasimple rin nitong sinagot ang imbitasyong ‘tara’ sa kanya ni Julia.

Kaya naman, hindi nakaligtas sa mga netizen ang animo’y pagkakaintindihan na ito ng dalawa. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mainit pa rin ngayon ang dalawa sa mata ng publiko kahit isang taon na ang nakakaraan nang masangkot ang mga ito sa kontrobersiya.

Ang pelikulang ito na pinagsamahan ng dalawa at kinunan sa Japan ay ang umano’y simula ng nabuong pagkakamabutihan nina Gerald at Julia.

Mahigit isang taon na ang nakakaraan, ilang buwan lamang matapos ipalabas ang ‘Betwen Maybes’ ay pumutok ang isyu nang hiwalayan nina Gerald at Bea Alonzo kung saan, si Julia ang itinuturong third party.

Labis na pinag-uspaan ng publiko ang tungkol dito simula nang kumalat ang mga larawan nina Julia at Gerald na magkasama na sunod-sunod na ni-like ni Bea. Mas nagpaingay pa sa isyu ang sunod-sunod din na mga misteryosong post ni Bea sa social media.


Kaya naman, dahil sa mga ito kaya inulan ng pambabatikos sina Gerald at Julia. Sa pamamagitan ng naturang mga larawan na animo’y kinumpirma ni Bea, malakas ang akusasyon na may relasyon nga sina Gerald at Bea.

Hindi rin nakatulong sa mga akusasyong ito sa kanila ang pahayag ni Bea kung saan, bigla na lamang umano siyang hindi kinausap ng aktor. Dito na nagsimulang gamitin ang katagang ‘ghosting’.

Bagama’t itinanggi ito nina Gerald at Bea, dahil sa matinding pambabash na kanilang natanggap ay naglabas ng pahayag tungkol dito si Julia. Dito, maliban sa paglilinaw na wala siyang kinalaman sa break up nina Gerald at Bea ay nilinaw niya rin na hiwalay na sila noon ni Joshua Garcia dahil inakusahan din siya ng mga tao na nanloko sa aktor.

Diretsahang saad pa nga ni Julia dati:

“I believe Gerald has already made it clear that a third party was not the cause of their break up. I would like to disassociate myself from the break up of Bea and Gerald. Their issues are entirely their own. However, since I was brought into this mess without a choice, this is what I have to say.

“Your heartbreak should have been a private matter, but you have selfishly turned it into something of national concern. Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your contriversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me for you…

“You have encouraged a culture of hate by purposely liking harmless photos… which resulted in the outrage of insults against me… You can play victim all you want, but I refuse to be your victim.”


Source: PEP


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment