Wednesday, December 9, 2020

Kris Aquino, Naghahanap ng Maha-Hire na Nurse: “Iyong kaya akong buhatin.”


Sa kabila ng mga pinagdadaanan ngayon ni Kris Aquino sa kanyang kalusugan ay masaya ngayon ang Queen of All Media dahil nagiging abala na naman ito sa trabaho lalo na sa kanyang mga endorsements.

Kaya naman, sa mga pagkakataong maganda ang kanyang pakiramdam ay mas lalong ginaganahan si Kris na tapusin ang kanyang mga shoots katulad na lamang nang ginawa nitong shoot para sa isang brand.

Sa Instagram, naibahagi pa nga ni Kris na kahit hindi pa raw siya bayad ng naturang brand ay pinaswelduhan niya na ang kanyang mga staff dahil gusto niya na maging masaya ang mga ito kagaya niya. 

“It’s a shoot day today, we’re doing kitchen stuff for Philips, (sabay tawag ng pangalan ng staff na nakasama pa niya sa Game Ka Na Ba show noon), hi everybody!  

“Maging happy naman kayo kasi kahit hindi pa ako bayad, binayaran ko na kayong lahat, ha, haha.  Let’s be happy…,” masiglang bati pa nga ni Kris sa kanyang production staff.

Ngunit, nang araw na iyon, sa kabila ng kanyang magandang mood ay naibahagi din ni Kris na bago ito ay sinumpong daw siya ng kanyang vertigo. Mabuti na lamang daw ay nandyan ang anak nitong si Bimby na umalalay sa kanya.

Ngunit, hindi rin ito kinaya ng anak kaya tumulong na para asikasuhin siya ang kanyang right hand na si Alvin Gagui at isang nurse.


Kaya naman, pagbabahagi ni Kris, mukhang nangangailangan na umano ito ngayon ng bagong nurse. Ayon kay Kris, naghahanap ito ng isa pang nurse ngunit, sana umano ay kaya siyang buhatin nito. Dagdag pa ni Kris, ‘with benefits’ naman daw ang pagtatrabaho nito sa kanya dahil kompleto sila sa mga benepisyo gaya ng SSS, PhilHealth, at Pag-ibig Fund.

“Kaya naghahanap kami ng isa pang nurse na sana ‘yung kaya akong buhatin with benefits you know, SSS, Philhealth, Pag-Ibig,” ani niya pa tungkol dito.

Matapos ang ilang buwan o taon din na pahinga ni Kris mula sa publiko, ayon dito ay marami na siya ngayong surpresa sa mga ito sa pakikipagpartner na rin niya sa mga bago nitong brands na ini-endorso.

Sa isa ngang Instagram post, naibahagi ni Kris na kahit marami siyang dinaramdam na sakit sa katawan, aktibo pa rin ito sa pagbibigay ng update sa kanyang mga followers. Saad pa nga nito,

“Ilang days akong hindi nag-post kasi I’m not feeling well, alam kong marami na kayong problema kaya bakit ko pa dadagdagan ang problema ninyo by sharing my problems.  Updates tomorrow.”

Isa sa mga surpresa na ito ni Kris ay ang bago nitong collaboration kay Jose Mari Chan bilang kapwa endorser ng isang brand. Dito, inihayag ni Kris ang saya na makasama ang tanyag na mang-aawit. Pagbabahagi pa nito,


“What a privilege to do the @shopee_ph 12/12 TVC with our country’s Christmas icon, Jose Mari Chan. Yes, nag Santa dress ako. Yes, nag attempt akong sumayaw…

“Yes, that’s Bimb doing the Shopee Christmas dance with us (and obviously he can groove much better than his mama). And yes, obvious naman diba, #lovelovelove ko ang SHOPEE.”

Source: INQUIRER

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment