Wednesday, December 9, 2020

Kim Chiu, Viral Matapos May Mapansin ang mga Netizen sa Pinakabago Nitong Vlog

Sa kabila ng mga masalimuot at malulungkot na bagay na naranasan ng marami ngayong taon, bilang tradisyon ay ipinagdiriwang pa rin ng mga Pilipino ang panahon ng kapaskuhan. 

Simula na ulit ng pagtatayo at pagdidisenyo ng mga Christams tree at paglalagay ng mga palamuting pampasko sa mga tahanan. Kagaya ng marami, sinumulan na rin ng aktres na si Kim Chiu ang kanilang tradisyon ng pagdidisenyo niya ng kanilang 12 ft. na taas na Christmas tree sa kanyang bahay.

Kagaya ng nakaraang taon, ang pagdidisenyo ni Kim ng kanyang higanteng Christams tree ay ibinahagi niya rin sa kanyang YouTube Channel. Sa isa nitong vlog, ibinahagi ni Kim kung paano nito itinayo at nilagyan ng disenyo ang naturang Christms tree kasama na rin ng kanyang pamilya at ibang mga kasama sa bahay.

Ngunit, sa natura nitong vlog, mayroong isang bagay na napansin ang mga netizen na talaga namang nagviral. Habang nagdidisenyo ng kanyang Christams tree, hindi napansin ng aktres na kita na pala sa kamera ang kanyang suot na panloob dahil sa ilang ulit nitong pagyuko nang nakatalikod sa kamera.

Dito, makikitang walang suot na safety o cycling shorts ang aktres na siya namang ikinagulat ng mga netizen. Kaya naman, kita ang suot na panloob nga aktres na siya namang nakakalungkot na agad naging viral sa social media.

Agad nakunan ng larawan ng mga netizens ang mga bahaging ito sa vlog ni Kim at ibinahagi online. Dahil dito kaya nagtrending muli ang aktres na siya rin marahil ang dahilan kaya tinanggal na nito ang naturang vlog sa kanyang YouTube channel.

Gayunpaman, sa kabila ng pagkalat ng mga larawang ito ni Kim mula sa kanyang vlog, mabilis na dumepensa sa kanya ang mga netizen na tahasang kinondena ang mga nagbahagi at nagpakalat ng mga larawang ito ng aktres.


Ayon sa mga ito, maliban sa hindi kaaya-kaaya ang ginawa ng mga ito na pagbibigay malisya sa naturang mga larawan, nakakalungkot umanong isipin na may mga taong natutuwa pa habang pinapakalat ang naturang mga larawan na kita ang likuran ng aktres.

Dahil marahil dito kaya burado na ngayon ang naturang vlog ni Kim sa kanyang YouTube channel. Hanggang ngayon naman ay wala pang inilalabas na pahayag ang aktres hinggil sa naturang pangyayari. 

Samantala, sa nasabing vlog ni Kim, ibinahagi nito kung bakit pula at puti ang napili niyang tema sa kanyang mga dekorasyon at sa Christmas tree. Ngayong taon, napili ng aktres ang naturang mga kulay dahil para kay Kim, ang mga kulay daw na ito ay nagsisimbolo ng pag-asa at kasiyahan.

Maliban dito, mas pinili din ni Kim na i-recycle o muling gamitin ang mga dekorasyon nito noong nakaraang taon dahil nga sa nararanasan ngayong pandemya. Hindi umano muna ito bumili ng mga bagong dekorasyon na pampasko at mas piniling maging praktikal muna ngayong taon.


“It is a bit different this year dahil siyempre, pandemic, so hindi muna ako bumili ng mga Christmas decors and i-recycle ko na lang 'yung mga Christmas decors ko through the years. Pagtatagpi-tagpiin ko sila, pagsasama-samahin ko sila. So let's see kung ano 'yung magiging itsura niya… 

“The motif is color red and color white. White or silver. Because red symbolizes happiness... and white or silver symbolizes hope and purity,” ani pa rito ng aktresres.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment