Wednesday, December 9, 2020

Lalaking Ulila na sa Negros, Nakatira sa Ilalim ng Isang Bato


Trending ngayon sa social media ang Facebook post na ito ng isang netizen tungkol sa lalaking nakatira lamang sa isang bato sa Brgy. Minapasok, Calatrava, sa Negros Occidental

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Jelly, ulila na umano ang lalaki na kalaunan ay nakilala nito sa pangalang Randy. Dagdag pagbabahagi pa nito, maaaring dumanas din umano si tatay Randy ng nervous breakdown kaya naninirahan na lamang ito ngayon sa isang bato.

Kaya naman, ang kaawa-awang sitwasyon ni tatay Randy ay idinulog niya sa mga netizen upang mahingan ng tulong. Maliban sa kawalan ng maayos na tinutuluyan, hindi rin umano ito madalas na nakakakain.

“Masakit makita si tatay na ganyan ang higaan. Taga Brgy. Minapasok, Calatrava, Negros Occidental po siya. Wala na pong pamilya at sa ilalim ng bato siya natutulog. Namumulot lang po siya ng basura para makakain…


“Sobrang awa po ni tatay kasi paano pag bagyo? Malakas ang ulan… kidlat? Kawawa naman po,” ani pa ng netizen tungkol sa kondisyon ni tatay Randy.

Hindi naman ito nabigo sa panghihingi niya ng tulong dahil matapos na magviral ang Facebook post niyang ito ay agad na dumagsa ang mga tulong na ipinapaabot para kay Randy. Kaya naman, masayang binalikan ni Jelly ang lalaki dala ang mga tulong na para rito gaya ng mga pagkain.


Ayon kay Jelly, mayroon na daw naunang pumunta doon sa batong tinitirahan ni tatay Randy ngunit, hindi umano ito lumabas dahil nahiya sa maraming tao. Kaya naman, nagdesiyon na rin ito na puntahan si tatay Randy at kausapin.


Sa kanilang pag-uusap, napag-alaman ng netizen ang mga pinagdaanan umano ni tatay Randy base sa mga kwento nito sa kanya. Ngunit, dahil sa mga ito umano kaya sa tingin niya ay dumanas ng nervous breakdown si tatay Randy.

“Base sa kwentuhan namin, parang dumanas ng nervous breakdown si kuya kasi ang dami niyang kinwentung mga nadaanan niyang karahasan sa buhay. Taga sitio Vergara, Brgy. Bug-ang, Toboso pala talaga siya. Di mo siya makausap ng maayos kasi ang dami niyang ibang kwento,” pagbabahagi pa nito. 

Sa katunayan, ang dala nilang mga tulong na groceries ay hindi umano alam ni tatay Randy kung para saan kaya nagdesisyon ang mga ito na ipagkatiwala na lamang ang mga tulong sa mga tao na siyang nag-aabot palagi ng pagkain kay tatay Randy.

“Pinakita ko sa kanya ang mga dala naming groceries. Para sa kaalaman niyo, ang mga groceries ay di ko nilagay sa mismong tutulogan nya kasi wala talaga siyang alam kung ano ang mga iyon. Baka kainin lang na hilaw….


“Kahit inumin, ‘pag bibigyan mo siya ay uubusin kaagad. Kaya sa day care worker ng Minapasok ko ibinigay kasi sila naman ang araw-araw na bumibisita kay kuya para painumin ng gamot at pakainin,” dagdag ani pa nito. 

Agad naman na ipinaabot ng netizen ang kanyang pasasalamat para sa mga taong nagbahagi ng kanilang mga tulong para kay tatay Randy. Base sa mga Facebook post na ibinahagi nito, patuloy pa rin ang pag-aabot ng tulong ng mga tao para kay tatay Randy.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment