Sa kabila ng matinding pag-iingat, tinamaan at nagpositibo pa rin sa COVID-19 ang komedyante at ‘Eat Bulaga’ host na si Allan K.
Nito lamang ika-12 ng Disymebre, ibinahagi ni Allan K ang kanyang karanasan sa pagkakaroon ng COVID-19. Hindi kagaya ng ilan sa mga tinamaan ng sakit, ‘severe’ ang naging kaso ng komedyante na kinailangan pa nitong manatili sa intensive care unit ng tatlong araw.
“Severe 'yung case ko eh. Hindi siya mild katulad sa kanila na puwede lang sa bahay, house quarantine lang pwede na. Sa akin hindi. Nadala ako sa ICU (intensive care unit) pa eh. Na-ICU ako, siguro mga three days ako doon and three nights.
“Two days ako sa ER (emergency room). Three days and three nights sa ICU, as in wala ka talagang makita, kwarto lang siya talaga,” pagbabahagi pa nito.
Ayon sa komedyante, ang Panginoon ang kanyang kinapitan habang pinagdadaanan ang naturang pagsubok sa kanyang buhay. Ani pa nito,
“Kumapit ako sa favorite ko na verse sa Bible, Exodus 15 verse 26. Ang sabi doon, 'I am the God that healeth thee.' Alam niyo, maya't maya ko 'yun sinasabi. Lord, you are the God that healeth me. You just have to say the word and you will heal my disease. True enough, alam niyo, never ako na-intubate.”
Hindi madali para kay Allan K ang taong ito dahil sa dami ng dagok na naranasan niya sa kanyang buhay at pamilya ngayong taon. Sinikap nito na hindi mahawaan ng COVID-19 ngunit, sa kabila ng mga pag-iingat ay natamaan pa rin ang komedyante.
“Sabi ko, hindi ako puwedeng magka-COVID. Paglabas, marami akong arte sa katawan. Kulang na nga lang mag-PPE ako 'pag lumabas eh. Kumpleto ako sa vitamins. Nage-exercise pa 'ko sa bahay,” pagbabahagi pa nito.
Kaya naman, hindi halos matanggap ni Allan K. na nagpositibo ito sa COVID-19 lalo na’t sa kasagsagan ng pandemya pumanaw ang kanyang dalawang kapatid.
Dalawang buwan lamang ang naging pagitan ng pagpanaw ng dalawa niyang kapatid. Unang pumanaw ang nakababata nitong kapatid at pagkatapos ay pumanaw naman ang kanyang nakatatandang kapatid na tumira kasama nito sa loob ng mahabang taon.
“In denial ako na mako-COVID ako kasi noong magsimula ang 2020, masyado nang maraming hindi maganda na nangyari sa buhay ko. Unang una, namatay yng bunso namin, si Junjun… After two months, 'yung sister ko naman na tumira sa akin ng 17 years tapos umuwi ng Bacolod noong medyo hindi na niya kaya sa piling ko.
“Namatay silang pareho na nasa pandemic tayo so sinunog sila nang hindi ko sila nakita. Dalawa magkasunod oh, two moths lang pagitan,” ani pa nito,
Maliban dito, naapektuhan din ng pandemya maging ang hanapbuhay ni Allan K. dahil dalawang comedy bars nito na Klownz at Zirkoh ang nagsara. Pagbabahagi pa ulit nito,
“Tapos nagsara pa 'yung dalawa kong bars. Sabi ko, hindi pwedeng mangyari sa akin 'to kasi alam ko na diabetic ako tapos may edad na rin tayo.”
Maliban kay Allan K, ang Eat Bulaga host na si Wally Bayola ay nagpositibo rin sa COVID-19.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment