Muli namang naging trending topic online sina Awra Briguela at Buknoy matapos na umano’y muling magparinigan sa isa’t-isa. Ito ay matapos na maungkat ang umano’y issue raw sa pagitan nilang dalawa kung saan kaugnay si Feng dela Cruz.
Sa isang TikTok video, ibinahagi ni Buknoy ang kanilang Long Distance Relationship na sitwasyon ni Feng at ang unang beses nilang pagkikita nito matapos ang walong buwan. Dito, isang netizen ang nakapansin sa inihayag na ‘walong buwan’ ni Buknoy at iniugnay ito sa panahon kung kailan nagkaroon din ng isyu si Feng at Awra.
“8 months? so nung may issue sila ni awra andoon ka na? curious lang,” saad pa nga ng naturang netizen.
Dagdag ani pa ng isang netizen tungkol pa rin dito, “inaway mopa si awra, yan lg pala want mo HAHAHAHAHAHAHA.”
Hindi naman pinalampas ni Buknoy ang komentong ito ng naturang netizen at sinagot ito. Ani pa rito ni Buknoy,
“Wala akong inaway. Remember, siya po naninira sa pagkatao ko.”
Ngunit, ang pahayag na ito naman ni Buknoy patungkol kay Awra ay hindi rin pinalampas ng huli. Sa Twitter, inihayag naman ni Awra ang kanyang naging reaksyon o tugon sa pahayag na ito ni Buknoy na pagsira niya raw sa buhay nito.
Ayon kay Awra, hindi paninira ang ginawa niya sa umano’u vlogger dahil sariling pagkakamali nito ang sumira kay Buknoy. Wala na rin umano siyang pakialam sa kanilang dalawa ni Feng dahil ang mga ito naman umano ang may atraso sa kanya.
“Excuse me? Buknoy glamur? I didn’t... I was just trying to educate you, hindi paninira ang pang ccall out. It was your actions kaya ikaw sumira sa pagkatao mo. And about feng, I dont really care about you two kasi kayo ang ng gago saakin at alam ng mga tao yan,” diretsahan pang ani rito ni Awra.
Dagdag pa ng komedyante at aktor, gusto nitong itigil na ni Buknoy ang patuloy nitong pagdadawit sa kanyang pangalan dahil bukod sa wala na itong pakialam sa dalawa ay nananahimik na rin ito.
“What is this for? Clout??? Y’all can do whatever the fck you want just don’t drag my name kasi nananahimik na ako. Kaya please, tigilan nyo na ko sa ka dugyutan nyo kase nakakasuka na kayo,” dagdag saad pa nito.
Sa isa pang tweet, tahasan nitong binanggit si Buknoy dahil sa paratang nito sa kanya na pagsira raw sa buhay nito. Dito ay naghayag ng isa pang pasaring para kay Buknoy si Awra. Ani pa nito para sa vlogger,
“The audacity of buknoy to say “remember sya po nanira sa pag katao ko” excuse me buknoy? tao ka ba? kase parang hindi.”
Ang isyung ito nina Awra at Bukny ay nagsimula nang kinondena ni Awra ang ginawang paglabag noon ni Buknoy sa curfew at quarantine protocols matapos na kumalat ang video nito na naglalakad ng gabi sa gitna ng kalsada kasama ang mga kaibigan nito at wala ring suot na face mask.
Bagma’t maliban kay Awra ay halos lahat ng sa social media ay binatikos din si Buknoy, hindi nito ikinatuwa ang inihayag na pagbatikos sa kanya ni Awra kaya nagpalitan ang mga ito ng mga pahayag online.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment