Inis na inis ang netizen na si Kristine Asi matapos na magkamali itong kainin ang inakala niya ay ice cream na nakalagay sa kanilang refrigerator.
Ayon kay Kristine, bihira lamang umano sa kanila ang magkaroon ng ice cream sa bahay kaya excited na excited itong kumain nito nang makita ang isang tupperware ng ice cream sa loob ng kanilang ref. Ngunit, naiyak na lamang sa inis si Kristine nang hindi pala ice cream kundi tumigas o frozen na mantika ang laman nito.
Dismayadong ani pa ni Kristine, bakit daw kasi sa dami ng lagayan ay sa tupperware pa talaga ng ice cream inilagay ang naturang mantika at ang mas nakakainis pa, inilagay pa talaga ito sa ref kung saan, mas aakalain ng sinuman na mukhang ice cream nga ang laman nitong mantika.
“Dismayado ako kasi sabik talaga ako sa ice cream kasi bihira lang magkaroon sa bahay ng ice cream at nakakapagtaka dahil ang dami namang ibang Tupperware na mapaglalagyan bakit sa lagayan pa ice cream? Ang masama pa nito, sa ref itinago,” saad pa nga ni Kristine.
Kaya naman, hindi napigilan ng netizen na maiyak sa inis dahil dito at agad ibinahagi sa Facebook ang nangyaring ito sa kanya. Nagbahagi pa ito rito ng larawan ng kinain niyang mantika na akala niya ay ice cream kasama ng kanyang naiiyak na larawan.
“YUNG EXCITED NA EXCITED AKO MANGAIN NG ICE CREAM PERO ISANG SUBO KO PA LANG NAGTAKA AGAD AKO KUNG BAKIT LASANG CHICHARON!!!!
“KUNG SINO MAN NAGLAGAY NG MANTIKA NG BABOY SA LAGAYAN NG ICE CREAM. WAG MO MUNA AKO KAUSAPIN!” ani pa nito sa kanyang viral na Facebook post.
Sinabayan niya pa ito ng mga hashtag na ‘leche buena’ at ‘pighati’ habang damang-dama ang inis sa pagkain niya ng mantika na inakala talaga nitong ice cream. Kaya naman, aliw na aliw dito ang mga netizen na tawang-tawa sa nangyari kay Kristine.
Matapos magviral ay umani na ngayon ng mahigit sa 70,000 reaksyon lang naman ang viral post na ito ni Kristine na karamihan ay natatawang reaksyon ng mga netizen. Samantala, ang nakakalap naman nitong shares ay umabot na sa mahigit 85,000 shares lang naman at patuloy pang dumarami hanggang ngayon.
Nagtataka namang ani ng mga netizens, bakit daw kasi sa ref pa talaga inilagay ang mantika na kadalasan naman umanong hindi inilalagay sa loob nito dahil hindi naman daw ito napapanis. Kahit natatawa, ayon naman sa ilang mga netizens, sana raw ay mayroong magpadala rito ng ice cream para naman daw kahit paano ay mapasaya si Kristine.
Samantala, hindi na bago ang mga pangyayaring gaya nito sa mga Pilipino dahil naging kaugalian na lalo na ng mga nanay na maglagay ng mga tirang pagkain sa ref gamit ang mga tupperware o lalagyan ng ice cream.
Kaya naman, ani ng mga ito ay hindi umano dapat na pinagkakatiwalaan ang mga ganitong lalagyan sa ref dahil siguradong madidsmaya ka lamang ‘pag nalaman mo na malayong malayo sa ice cream ang laman nito.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment