Masalimuot ang naging buhay mag-asawa ng netizen na si Michelle bago ito tuluyang nagdesisyon na mangibang bansa at maging OFW. Sa social media ay ibinahagi niya kung paanong nabago ang kanyang buhay mula nang iwan ang mapang-abusong asawa at mangibang bansa para sa kanyang mga anak.
Sa isang larawan na ibinahagi nito sa Facebook, makikita ang dating Michelle at ang buhay nito dati na malayong-malayo sa kung ano na ito ngayon. Dito, hindi siya halos makilala dahil sa ‘lusyang’ niya raw na anyo dahil na rin sa pag-aalaga nito sa anim na maliliit na anak.
Makikita din sa larawan ang tahanan noon ni Michelle at ng pamilya nito. Maliban sa mahirap na buhay, nakadagdag pa sa pasanin nito ang mister na ginagawa ang lahat ng bisyo. Bukod kasi sa pagiging lasinggero ay gumagamit pa raw ito ng ipinagbabawal na droga.
Maliban dito ay sinasaktan pa umano si Michelle ng dating asawa ngunit, hindi niya ito magawang iwan dahil ayaw nitong lumaki na walang ama ang kanyang mga anak. Hanggang sa harap-harapan na umano ang ginagawang pambababae nito kaya nagising na si Michelle at iniwan ang mister.
Ayan po ang itsura ko noong nagsasama pa kami ng ex-husband ko. Ayan po ang anik kong anak at buntis pa ako d’yan kaya lang, nasa heaven na ang pang-pito kong anak.
“Napaka-lusyang ko d’yan kasi hindi ko na maalagaan ang sarili ko. Puro anak ko nalang inaasikaso ko atsaka sobrang hirap ng buhat namin. Diyan kami nakatira. Lasinggero at babaero pa ang asawa ako at hindi lang ‘yan, gumagamit pa siya ng bawal na gamot.
“Kaya ako, gabi-gabi, bugbog sarado. Pero tiniis ko kasi ayaw kong mawalan ng tatay ang mga anak ko. Pero may hangganan din pala ang pagiging martir ko,” pagbabahagi pa nito sa kanyang kwento.
Kasama ang anim na anak ay nakitira sa Michelle sa kanyang nanay hanggang sa napagdesisyunan na nga nito na subukan ang kanyang kapalaran sa ibang bansa. Nakipagsapalaran ito sa ibang bansa kahit mabigat sa loob dahil maiiwan nito ang mga anak.
Ngunit, mukhang malupit kay Michelle ang tadhana dahil noong una ay nakatanggap ito ng hindi magandang pagtrato mula sa kanyang amo.
Mabuti na lamang, dahil na rin sa kanyang sipag at maayos na pagtatrabaho ay bumuti na rin ito kalaunan. Dahil dito kaya bumuti na rin ang buhay ni Michelle at ng kanyang mga anak.
Sa mga bagong larawan nito na ibinahagi, makikita ang malaking pagbabago ni Michelle lalo na sa itsura nito. Kitang-kita na ngayon na naaalagan na ng OFW ang kanyang sarili at bumabalik na rin ang kanyang kompyansa.
Maliban sa itsura ay mas maayos na rin ang buhay nito na tahimik at mas payapa na kumpara sa buhay nito noon kasama ng asawang mapanakit sa kanya. Makikitang mas masaya na ito ngayon dahil maayos na rin ang buhay nila ng kanyang mga anak.
Samantala, tunay ngang tama ang naging desisyon ni Michelle dahil habang umaayos ang kanyang buhay, nabalitaan na lamang nito na naghiwalay na ang dati nitong mister at ang babae nito.
Pinatunayan nito na kaya niyang ibangon ang sarili at magkaroon ng magandang buhay kahit mag-isa lamang ito at ang kanyang mga anak.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment