Wednesday, December 30, 2020

Leng Altura, May Bagong Look Matapos Magpaayos ng Ilong


Halu-halo ang naging reaksyon ng mga netizen sa bagong look ngayon ng social media personality an si Leng Altura matapos nitong magpaayos ng ilong kamkailan lang. 

Sa isang video ay ibinahagi ni Leng ang tungkol dito na ani niya ay hindi niya umano inasahan na mangyayari. Kasama ang boyfriend ay nagpunta ang mga ito sa klinika kung saan gagawin ang pagpaparetoke ni Leng ng kanyang ilong. Saad pa nito,

“Di ko ineexpect talaga na darating ako sa ganitong point hahaha sobrang laking bagay nito para sakin.”

Sa isa pang Facebook post ay ibinahagi ni Leng ang bagong itsura ng kanyang ilong na umani ng maraming mga reaksyon mula sa ga netizen. Marami sa mga ito ang natuwa para sa bagong look ni Leng at pinuri ang magandang pagkakagawa ng ilong nito.

Ani pa ng mga ito, parang natural lamang umano ang pagkakagawa sa ilong ni Leng at bumagay umano ito sa social media personality. Masaya umano ang mga ito para sa bagong look ni Leng lalo na’t nakikita nila na masaya rin naman umano ito sa kinalabasan ng kanyang pagpaparetoke.

Bagama’t mayroong iilan na sinabing nagustuhan nila si Leng dahil sa ilong daw nito dati kaya sana raw ay hindi na lamang ito nagpaayos, mas nangiibabaw naman ang mga sumuporta kay Leng at pinuri ito sa kanyang desisyon na i-improve ang sarili.


Heto nga ang ilan sa mga halu-halong reaksyon na ibinahagi ng mga netizen tungkol sa bagong look at pagpaparetoke ni Leng sa kanyang ilong:


“Wala naman masama kung magpaparetoke. May kanya-kanya tayong kagustuhan sa mga pangarap natin. Deserve naman niya ‘yan kasi ilong lang ang magbabago hindi lahat.”

“So happy for you, Leng. Pero alam mo, mas cute ka dun sa dati mong ilong, ang ganda mo pa rin naman ‘nun. Siguro nasanay lang ako sa ganung itsura mo pero keri naman na ‘yang pagpaparetoke mo. Kung san ka masaya.”

“On my opinion, maganda ka talaga at yung talent mo sa pagsasayaw ibang klase kaya napansin ka ng madlang people. Hindi mo na kailagan ng ganyan. PERO, it's your body - your rules.”

“Oh, diba. Kahit di sya ganun ka sikat tulad ng mga artista, PROUD SIYA. WALANG MASAMA MAGING TOTOO. WALANG MASAMA SA PAGPAPAGANDA. ANG MASAMA, ‘YUNG WALA KANG AMBAG SA BUHAY NiYA EH PAKIELAMERO KA.”

“You are beautiful in your own simple way. Of course, everyone is excited for this new thing but just always remember that contentment is one simple way to be happy.”

Unang nakilala si Leng dahil sa kanyang mga viral na dance covers at iba’t-ibang TikTok videos. Ngunit, pinaka pinag-usapan at naging kontrobersiyal ito nang minsang pumayag si Leng na maging modelo sa isang kontrobersiyal na clothing line.


Minsan na rin itong dumulog sa programa ni Raffy Tulfo upang ireklamo ang pamamahiya umano sa kanya ng isa ring vlogger. Dito ay emosyonal na hinarap ni Leng ang vlogger na namahiya sa kanya at iginiit na humingi ito sa kanya ng tawad. Sa huli ay nagkaayos din ang mga ito at nagkasundo na maglalabas ng pubic apology ang vlogger para kay Leng.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment