Thursday, December 31, 2020

China Roces, Emosyonal sa Unang Pasko Matapos ang Paghihiwalay Nila ni Tim Sawyer


Sa bahay ng kanyang mga magulang ipinagdiwang ni China Roces ang pasko dahil ani nito, hindi nito nakayanan na ipagdiwang ang okasyon sa bahay na binili nito para sa kanilang pamilya ni Tim Sawyer ngayong tuluyan na silang naghiwalay.

“Pingarap ko talaga simula nang binili ko tong bahay na’to. Sinabi ko sa sarili ko na pangarap ko na mag-Chrismas dito sa bahay… nung binili ko ‘to noong panahon na buntis pa lang ako, sobrang saya namin ng family ko na mayroon na kaming sariling bahay…

“Ang dami kong pangarap na natupad naman… natupad naman lahat. Pero sa totoo lang, ang pinakamasaklap kasi na nangyari ngayong pasko, ‘yung first time na Christams sana kasama ng pamilya mo… ‘yung mga anak ko, ‘yung asawa ko, dito sa bahay ‘yung pamilya ko. Kaso, wala…,” emosyonal pang ani ni China.

Pahayag pa nga nito, kung gaano umano kabilis na ibinigay sa kanila ang mga biyaya at kanyang mga pangarap, ganun din umano kabilis na hindi na buo ang kanyang pamilya. Kaya naman, labis nitong kinalungkot na hindi na matutupad ang pangarap nitong pasko kasama ang pamilya kasama sa bahahy nito.

“Aalis kami ngayong araw na ‘to sa bahay this 24, December 24. Magdidisperas kami ng pasko doon pa rin sa bahay ng mama at papa ko. Sobrang nakakalungkot lang kasi, pangarap ko talaga ‘to…,” ani pa ulit ni China.


Wala na umanong pag-asa na magkabalikan pa sila ni Tim bagama’t sinubukan pa rin nito na ayusin ang lahat. Ngunit, sa bandang huli ay tuluyan pa rin silang naghiwalay nito. Saad pa nga ni China tungkol dito,

“Tinry ko naman, pinilit ko naman talaga mabuo ‘yung pamilya ko. Pero wala talaga dahil siyempre, di mo rin masisisi ‘yung tao. Di mo masisisi ‘yung lalaki na magbago ‘yung isip. Di mo naman masisisi na maging ganoon, na ganito ‘yung mangyayari sa amin.”

Kaya naman, kahit natupad ang marami nitong pangarap tulad ng pagkakaroon ng sariling bahay at kotse, hindi nito maiwasan na malungkot dahil isa sa mga pinaka pinangarap niya ang hindi natupad.

Kung matatandaan, naging viral sa social media ang naging away o alitan nina Tim at China matapos na ibunyag ni China ang kanilang hidwaan at saloobin nito sa isang Facebook live. Umabot pa nga sa programa ni Raffy Tulfo ang kanilang pag-aaway kung saan, sinubukan ng host na pag-ayusin ang dalawa at mabuong muli ang kanilang pamilya.

Samantala, bagama’t may kasamang lungkot ang pagdiriwang na ito ng pasko ni China, bumuhos naman ang mga positibong mensahe para rito mula sa mga netizen na patuloy na sumusuporta sa kanya.

Heto nga ang ilan sa mga mensaheng ipinaabot dito ng mga netizen:

“Cheer up, Miss China! Nakakalungkot pero patuloy lang ang buhay para kay Timothy!”

“Mahal kita, China!! Di kawalan ang taong ikaw ang sinayang. ALWAYS CHOOSE TO BE HAPPY! Deserve mo ‘yung taong hindi ka iiwan. MERRY CHRISTMAS!!”


“I know how much you wanted to have a complete family, but if it's causing you too much pain then let go. Your child is your family. You'll be fine. You and your child will be fine. Trust me. Merry Christmas!”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment